KABANATA L

1.2K 86 50
                                    

Matapos mabayaran ang mga inorder na pagkain sa isang drive-thru resto, mabilis na inayos ni Enrique ang portable table sa pagitan nila ni Timothy, para paglagyan ng mga pinamili nito.

"Kain ka na baby, masarap ang mga ito habang mainit-init pa." kausap muli ni Enrique sa heredero.

"Busog pa ako." pagsisinungaling na sagot ni Timothy, kahit pa ang totoo'y natatakam na itong tikman ang mga pagkaing sa amoy palang niya'y batid nitong masarap na.

"Ganun ba, basta kuha ka na lang kapag nagutom ka, o kaya'y kapag may nagustuhan kang restong madadaanan natin, ipaalam mo kaagad sa akin, para maibili kita."

Nang walang marinig na sagot sa heredero, minabuti na lamang ng binatang pulis na paandarin na ang sasakyan, nang sa ganun ay makarating sila sa probinsya ng mas maaga.

Inaamin nitong hindi parin nawawala ang nararamdaman niyang galit sa dating nobyo, ngunit sa narinig nitong malungkot na himig ni Enrique kanina, hindi maunawaan ng heredero kung bakit parang sumikip ang kanyang dibdib ng dahil lang dun. Kung tutuusin ay wala pa 'yon kumpara sa sakit na idinulot sa kanya ng dating nobyo, at muli gaya ng paulit-ulit nitong itinatatak sa kanyang isipan matapos ang sakit na idinulot ng pagmamahal niya kay Enrique, hindi na ito magpapadala muli sa matatamis na mga salita ng pulis, pati na ang pag-aalagang ipinapakita muli nito sa kanya ngayon.

...

Muling lumipas ang isa pang oras sa kanilang biyahe at dahil magtatanghali na, ramdam na ni Timothy ang pagkalam ng kanyang sikmura, ayaw naman kasi nitong kainin ang tinanggihan niyang pagkain kanina na galing sa pera ni Enrique.

Batid naman ng binatang pulis ang nararamdamang gutom na iyon ng masungit niyang kasama, at para hindi na tumutol ang heredero, pinili nitong ihinto muna sa isang resto ang kanilang sasakyan.

"Alam kong kinamumuhian mo ako, pero sana'y kalimutan mo muna sandali iyon hanggang sa makakain tayo, baka magkasakit ka kapag nalipasan ka ng gutom." mahinahong kausap ni Enrique sa tahimik paring kasama.

"Mabuti pala at alam mo, sino bang may kasalanan kung bakit narito ako ngayon?" inis na balik ni Timothy sa dating nobyo.

Napayuko na lamang si Enrique na napipi rin sa mga sandaling iyon, tama naman kasi ang katabi na kasalanan niya ang lahat, batid rin nitong kahit paulit-ulit siyang humingi ng kapatawaran sa kanyang pinakamamahal, hindi ito sapat para maalis o mabura ang sakit na siya mismo ang nagdulot.

Gaya kanina, gustong pagalitan ni Timothy ang sarili kung bakit nasasaktan rin ito kapag nakikitang nasasaktan ang dating nobyo. Hindi ba ang dapat na maramdaman niya ay matuwa? Pero bakit hindi nito maramdaman ang bagay na 'yon?

"Pasalamat ka na lang at gutom na talaga ako, sige na pumapayag na ako."

Sa narinig ay doon pa lamang muling nag-angat ng tingin ang binatang pulis, at bago pa magbago ang isip ng heredero, mabilis na bumaba na ito ng sasakyan para pagbuksan niya ito

...

Pagkahanda sa kanilang mga inorder, isa-isang inamoy lahat ni Enrique ang mga pagkaing nasa mesa, sinisiguro nito na walang halong lason ang kanilang kakainin ng heredero.

"Parang kang aso." komento ni Timothy na talagang ipinarinig nito sa kaharap.

Hindi na pinansin pa ni Enrique ang pasaring na iyon ng masungit na heredero, mas mahalaga para sa kanya ang magiging kaligtasan nito.

"Maaari ka ng kumain." pahintulot ni Enrique sa kasama.

Sa hudyat na iyon ng dating nobyo, nagsimula ng kumain si Timothy. At habang abala ito sa pagkain, abala naman ang mga mata ng binatang pulis sa pagtingin sa kabuuan ng resto, at sinisiguro nito na hindi manganganib ang buhay ng heredero.

Ang Hardinero at ang HerederoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora