43: UNEXPECTED PROBLEM

Start from the beginning
                                    

Naku lagi ko naman sinasabi sa batang yun na huwag mahihiya sa akin e.

"hay wala na ako magagawa diyan, alam mo naman yun Mommy hindi ba haha pero kala ko maalis na siya"
I asked

Ang alam ko kasi ay maalis na ito para sa study niya abroad

Nakunot ang noo nitong napatingin sa akin

"ewan ko lang, may inasikaso pa din ata pero sure ako by this month aalis na siya, dadating ata si Ate Ky mo"
Nakangiti niyang sabi

Omg!!!

Seryoso ba? Babalik na sila?

Parang ang tagal ng huli ko siyang nakita e. For sure matutuwa sila Yena.

"seryoso ba Mommy, mabuti naman kung ganun naku matutuwa sila Yena niyan pag nakita si Ate Ky"
Masaya kong sabi dito

"oo pero ang weird nga kasi hindi niya alam na patay na si Santi, ewan ko o baka mali lang ang pag kakaintindi ko"
She said

Naguluhan naman din ako sa sinabi niya pero sinawalang bahala ko ng tumunog ulit ang phone ko.

Hindi ko na sinagot pa at nag paalam na kay Mommy para makapag drive ako ng ayos.

Halos paliparin ko ang sasakyan para makapunta kaagad sa office

"finally"
Sigawan pa nila ng makapasok ako sa office ni Dave

Halos lahat ng mga involved sa project ay nandoon sa office niya maliban sa akin na medyo natagalan ng konti

Anong magagawa ko kung traffic kahit ganito kaaga!

"Ano na?"
I asked ng makalapit sa kanila

I check the papers for the meeting okay naman even the presentation of the building okay.

"nandito naman na ang lahat ha ano pang problema?"
I asked

Nandito ang mga kailangan yung mga papers na ibibigay sa mga client nandito kumpleto pati yung miniature ng mga building nandito din naman.

"we still have ONE problem na ikaw lang ang makakatulong ate"
Kinakabahan na sabi ni Dave habang lahat sila ay nakatingi sa akin

Kunot ang noo na tiningnan ko sila isa isa hanggang sa natigil ako sa titig ni Dave

"We need you to present this one because...."

"NO"
Mabilis kong sagot bago naupo sa swivel chair

Kaagad na lumapit sa tabi ko si Dave at parang batang nag mamakaawa.

Ayoko kasi!

Hindi ko kaya!

"Ate please I know we know that you can do it please ate"
Pag mamakaawa pa nito

Nalibot ang mata ko sa mga taong kasama namin at halos lahat ng mga ito ay parang mga batang nag mamakaawa na mabigyan ng candy

"I can't Dave sorry"
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko

"Mam Saxia alam po namin at naniniwala po kami sa inyo na kaya niyo"
Ani ng secretary ni Dave

I STILL LOVE YOU Where stories live. Discover now