III

98 37 42
                                    

"I'm home."

Narinig ko naman ang yabag ng paa ni Dimitri pababa sa hagdan. Sinalubong niya 'ko kaagad kaya binigyan ko siya ng halik sa pisngi at inilabas ang paborito niyang pagkain.

"Ate, salamat!" Ngumiti ako ng kunin niya na 'yon sa kamay ko at dumiretso sa sala namin.

"Sila Mama?" Tumingin ako sa lamesa pero wala namang nakahain na pagkain do'n.

Dumiretso ako sa kusina at tinignan ang rice cooker namin kung may saing na pero mukhang wala pa. Binaba ko muna ang gamit ko at naghugas ng kamay para magsaing.

"Ikaw na naman mag-isa sa bahay?" Nakita kong dumaan sa gilid ko si Dimitri para itapon ang balat ng ice cream na binili ko sa kaniya.

Tumingin muna siya bago dinilaan ang ice cream sa labi niya, "Opo, Ate. May kailangan raw po puntahan si Papa."

"Si Mama?"

"H-Hindi ko po alam, Ate." Tumango na lamang ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Pasado alas syete na ng gabi na ako nakapaghain ng pagkain sa lamesa. Pinauna ko ng kumain si Dimitri dahil maaga pa siyang matutulog. Hindi muna ako sumabay na kumain sa kaniya dahil busog pa ko.

Mga bandang 6 pm na rin ako nakauwi kanina dahil niyaya pa akong kumain ni Keegan. Nung una gusto niya akong isama sa Jollibee pero tumanggi dahil nakakahiya. Kakakilala lang namin tapos ililibre niya kaagad ako.

Sunod niya akong dinala sa Tapsilogan malapit lang sa kanto ng school namin. Tumanggi ulit ako kaya ang ending ay sa may fish ball-an na lang kami bumili. Hindi niya rin naman niya ako nalibre dahil nag-insist akong ako magbabayad sa binili ko.

Hindi na rin siya umangal marahil naiisip niyang naiirita ako sa mga katulad niya. Ang totoo niyan ay oo, naiirita ako sa mga mapilit na tao. Hindi ko lang alam kung bakit sa kaniya hindi ako naiirita, sa katunayan nga ay na-eentertain niya ko.

Naalala ko naman tuloy yung kanina. Kahit na nasa malayo siya ay kilalang-kilala ko 'yon. Sa tindig at hulma pa lang ng katawan niya ay alam kong si Levi yon. Nang malapit na kami sa kinatatayuan niya ay nagtama ang paningin namin. Tumingin siya saglit kay Keegan tapos sa akin ulit.

Umiwas na ako ng tingin dahil pakiramdam ko sumisikip na naman ang dibdib ko kapag nakikita ko siya. Nararamdaman kong bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nand'yan siya sa paligid ko. Ito na naman yung pakiramdam na gusto ko na naman takasan ang sarili ko.

Bumalik naman ang wisyo ko ng marinig kong bumukas ang pintuan. Iniluwa non si Papa kasunod si Mama. Tumingin sila sa'kin bago sa nakahain sa lamesa, "Kain na po kayo Ma, Pa. Aakyat na po ako."

"Kumain na si Tri?" Nagmano kaagad ako ng makalapit sila sa hapag-kainan.

"Opo, Pa."

"Erin," Lumipat ang tingin ko kay Mama. "Mag-usap muna tayo saglit sa labas."

"Imelda." Narinig ko namang tinawag siya ni Papa pero inignora ko lang 'yon.

Sumunod na ako kay Mama nung lumabas na ito. Tumigil siya malapit sa may gate namin at maya-maya rin ay hinarap ako. "Kailangan munang tumigil ni Tri sa pag-aaral, Erin."

Nagulat ako sa sinabi ni Mama, "P-Po?"

Bumuga ng malalim si Mama bago nagsalita. Pakiramdam ko may mali, "Nalulugi na ang negosyo natin, Erin. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang bayaran ang tuition fee ninyong dalawa ni Tri. Ayoko namang tumigil ka dahil isang taon na lang rin naman ay ggraduate ka na sa kursong pinili namin ng Papa mo. P'wede namang next year na lang si Tri, makakapaghintay pa naman yung sa kaniya."

Escape the Memories (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon