Chapter 1: The Taste of Unrequited Love

14 0 0
                                        

"Some hearts don't ask to be loved back. They simply hope to be remembered while they're learning how to let go."

'Good morning, Tristan. I baked some cookies for you.'_ nakangiting salubong ko sa kanya pagkapasok niya sa bahay namin.

'I didn't go here for that Andrea. Ang Kuya mo ang ipinunta ko dito.'_ malamig na sabi niya.

'Grabe ka naman, Tristan. Ouch ha...'_ nakapout na sabi ko.

'....'

Tiningnan lang niya ako.

'Halika na dali, tikman mo.'_ wika ko sabay abot ng lalagyan ng cookies.

Pero bago pa niya iyon mahawakan, umiwas siya at marahang winaksi ang kamay ko.

'Stop!'

Hindi siya sumigaw.

Hindi rin siya galit.

Pagod lang.

At iyon yata ang mas masakit.

'Ah... s-sorry.'

Hindi na siya nagsalita pa.

Diretso siyang naglakad papunta sa sala kung saan naghihintay si Kuya.

Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatingin sa hawak kong lalagyan ng cookies.

Kailan niya kaya maa-appreciate lahat ng effort ko?

Paulit-ulit na lang kasi.

Ako ang lumalapit.

Siya ang lumalayo.

Pero ewan ko ba...

Siguro nasanay na rin ako.

Sanay na akong hindi pansinin.

Sanay na akong hindi piliin.

Sanay na akong mahalin ang taong hindi ako kayang mahalin pabalik.

Paakyat na sana ako sa kwarto nang makasalubong ko si Kuya sa hagdan.

'Oh, Sis? Anyare sa'yo? Bakit ganyan na naman yang mukha mo?'

'Wala, Kuya. Aakyat lang ako sa room ko. By the way, nandiyan na pala si Tristan.'

Parang napabuntong-hininga siya.

'Parang alam ko na kung anong nangyari.'

Ngumiti lang ako.

'Basted ka ulit, no?'

'Ouch ha?'

'Ikaw naman kasi. Ilang beses na kitang sinabihan. Tigilan mo na si Tristan. Masasaktan ka lang. Di ka nun magugustuhan.'

Pilit akong ngumiti.

'Okay lang ako, Kuya.'

'Sigurado ka?'

Tumango ako.

'Masaya naman ako sa ginagawa ko. Tsaka... yaan mo. Kapag alam kong wala na talaga, titigil din ako.'

Tahimik lang niya akong tiningnan.

'Ikaw bahala. Basta binalaan na kita.'

Tumango lang ako saka tuluyan nang pumasok sa kwarto ko.

Pagkasara ko ng pinto, saka ako dahan-dahang humiga sa kama.

Nakatitig lang ako sa kisame.

Tahimik.

Katulad ng buong kwarto.

Hayst...

Pati mga kaibigan ko, pinagsasabihan na rin ako tungkol sa kahibangan ko, kuno, kay Tristan.

Pero anong magagawa ko?

Mahal ko siya eh.

I've been in love with him for almost ten years.

At sa loob ng sampung taon...

Hindi ko kailanman hiniling na mahalin niya rin ako.

Ang hiling ko lang...

Sana dumating ang araw na kaya ko na ring bitawan siya.

Napapikit ako.

Unti-unti, bumalik sa alaala ko ang araw na unang beses ko siyang nakita.

I was just fifteen years old when I first saw him.

I can still vividly remember that moment, kahit sobrang tagal na noon.

It was raining that day.

At hindi ko alam...

Na sa simpleng araw na iyon, magsisimula ang pinakamahabang paalam ng buhay ko.

_🥀

'Til I Learn to Let GoStories to obsess over. Discover now