CHAPTER 44: Home Service

Start from the beginning
                                    

'Baaaa...' At niyakap ng mahigpit ni DJ ang asawa. 'Wag ka nang malungkot, ok? Gagawa na lang uli tayo ng bago pagkalabas ni Chandrikito.'

'Kung makapagsabi ka ng gagawa parang bangkang papel lang ang baby a. Try mo kayang magbuntis, maglihi at manganak. Masayang masaya ka habang ginagawa natin pero pag nandyan na, ni sa ultrasound hindi mo ako masamahan. Inindyan mo ako, DJ.' At suminghot na naman si Kath.

'Sorry na nga diba? Ano bang pwede kong gawin para mapatawad mo ako?'

Ngumiti ng pilya si Kath saka inilapit ang bibig sa may tenga ni DJ na kaagad namang nanlaki ang mata sa narinig.

'Ba!' Tila naeeskandalong sabi nito.

'Ang arte. Sige na please.'

'Ayoko. Hindi ko kaya.' Iling ni DJ.

'Sige ka, hindi kita ifo-forgive.' She threatens him.

DJ pouted and just gave in to Kath's request.

************

'Ayan, DJ. Dyan. Punuin mo. Wait. Dyan ka lang.'

CLICK.

@bernardokath Mani-pedi at 3:00. He doesn't seem to look so happy. 💅😁#Hormones #MayKasalananKasiSya #MayFuture

COMMENTS:

*Hahahaha! Ang pogi ng manikurista mo Kath!

*OMG! Ang cute ni DJ!

*Karir!

*Ang kulet nyo, grabe!

*Ang ganda naman ng feet ni @bernardokath kaya love na love ni @agentyellow

*Wag maingay. Baka magising si Baby Danilo.

*Relationship Goals. 🙌

Maya maya pa ay narinig na ni DJ na sunod sunod ang tunog ng cellphone nya.

'Wait lang.' He said, straightening himself from the floor.

Having the idea what it was, Kathryn can't help but giggle.

'O anong problema mo Carla? Aga magising a.' He snapped at his caller.

'Pagkatapos ng service mo dyan, pakisunod kami dito ha? Pakitanggal ng ingrown sa magkabilang hinlalaki ko.' Natatawang sabi ng kanyang Mama.

'Tang-i... Kathryn!'

Kath just giggled some more as she heard her husband talking to his mom in Waray language. And boy, he doesn't seem to sound happy.

'Tanggalin mo mag-isa ingrown mo. Kagatin mo. Bye!' DJ finally hung up.

'Ang bad mo talaga.'

'Ako, bad?'

Tumango si Kathryn.

'Ikaw ang bad. Halika nga dito.'

'DJ, NOOOO!' Kath erupted in fits of giggle as DJ chase her on their massive bed.

*********

'Aalis ka?' Tanong ni Min kay Kathryn nang madatnan nya itong inaayos ang isang cooler na nakapatong sa ibabaw ng mesa sa kanilang dining room.

'Susurpise namin ni Danilo si DJ, Ma. Gusto mong sumama?' She said excitedly. 'Eto o, pinagluto ko sya ng lasagna. Tapos may inaayos pa kong ibang snacks nya dito.' Proud na proud na ipinakita ni Kath ang dadalhin nya sa pagbisita sa asawang nagshu-shooting.

'Kayo na lang.' Tanggi ni Min.

'Ok.' Kath shrugged her shoulders and closed the lid of the cooler. 'Ate Ganda!' She called. 'Ate, pakibaba na si Danilo.'

***********

Paulit- ulit na tinitingnan ni Kath ang wrist watch habang nakaupo sya sa loob ng dressing room ng asawa. Katabi nya si Ganda na kandong kandong naman si Danilo. Nang nakarating kasi sila sa location ay wala silang nadatnang Daniel Padilla. Sabi ng iba, lumabas para mag-lunch.

She tapped her foot anxiously to an inexistent music as she kept on checking the time.

'2:30 na a. Wala pa rin.' She murmured.

Maya maya ay narinig na nya ang pamilyar na halakhak ng asawa na papalapit sa tent.

'Tatay.' Danilo clapped his little hands.

'Surprise.' Kathryn said, beaming.

However, it was her that got the shock.

***********

***AUTHOR'S NOTE***

Not beta'ed.

#PataposNaPo #OntiNaLang

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Where stories live. Discover now