CHAPTER 50: The King's Queen

28.1K 592 141
                                    


************

Gulong gulo sa kasalukuyan si Daniel habang nakasalampak sa sahig ng kanilang kwarto. Paulit ulit na inaalala kung saan banda sya nagkamali sa pagtatapat ng nagawang kasalanan sa asawa.

***FLASHBACK***

Nadatnan ni DJ si Kathryn na umiikot ikot sa harap ng malaking salamin sa kanilang kwarto.

'Sabi ni Kuya Mark, magp-preggy pictorial daw kami pag 7 months na yung tyan ko. Excited ako babe. Tsaka libre daw nya.' Ngiti nya kay DJ na naupo sa kanilang kama. 'Kay Danilo kasi di ko nagawa yun. Yung mga pictures ko nung pinagbubuntis sya, ang cha- chaka.'

'Ba.' Seryoso ang tono ni DJ as he motioned Kathryn to sit down beside him.

'Ano yun asawa ko?' Malambing na tanong ni Kath.

Nagulat na lamang sya nang bigla syang yakapin ni DJ.

'Ano ba yun J? Ang weird mo ha. Kagabi, nagpa-kiss ka lang ng nagpa-kiss sa akin. Tapos ngayo--'

'I'm sorry. I'm sorry.' Sabi nito habang hinahalikan ang buhok ni Kath.

'Ano bang nangyayari DJ?'

'Naging mahina ako Kath. Nagpadala ako. Pero nagsisisi ako. Hindi ko sinasadya.'

Nangunot ang noo ni Kath at inilayo ang katawan ng asawa mula sa kanya.

'Liwanagin mo.' Seryoso na rin ang tono nito.

'Pinigilan ko sya. Maniwala ka.' DJ said before he threw himself to Kath again.

'Sino bang pinigilan mo? Bakit mo pinigilan?'

And DJ murmured a name na hindi agad naintindihan ni Kathryn.

'Sino?' She asked again.

'Gabby.'

Her eyes widened upon hearing what DJ said. She then let go of him and distanced herself away from her husband.

***END OF FLASHBACK***

DJ snapped out of his reverie upon hearing the faint clicking noise of their bedroom door. Ipinaling nya ang kanyang ulo sa direksyon nito at sinundan ng tingin ang asawang kasalukuyan ay naglalakad papasok.

'Kath.'

'I overreacted.'

Sabay nilang sabi sa isa't isa.

Napatitig na lamang si DJ sa asawa habang pinagmamasdan ito. Gumaan kahit papaano ang bigat na nararamdaman nya at tila ba may nakita syang liwanag na bumalot kay Kathryn bago ito tinubuan ng mga pakpak ng anghel sa oras na iyon.

Huminga ng malalim si Kath.

'Nagkamali ka. Pero DJ, gusto ko lang itanong. Kung sakali kayang hindi pa tayo mag-asawa, kung wala pa si Danilo sa buhay natin, kung hindi ako buntis ngayon, iba kaya ang naging reaction mo sa paglalandi ng hitad na yon?' It was a very brave question for Kathryn to ask which left DJ speechless. 'Dapat ko bang ikatuwa na nagalit ka sa kanya kahit na dumampi na ang labi nya sa labi mo? Gusto mo ba akong tumawa dahil ang asawa ko, nakipaglaro ng footsie sa ibang babae habang nagsi-CR ako?'

'Kath...'

'Kung kaya ko lang ipatapyas yang labi mo, ginawa ko na. Kung pwede ko lang ipaputol yang paa mong nahagudan ng balat ng higad, sana kanina pa. Galit na galit ako sa'yo DJ. Sobra. Sobra.'

Halata ni Daniel ang pagpipigil sa boses ng asawa. Inihahanda na nya ang sarili sakaling paliparin na naman nito ang palad at padapuin sa pisngi nya.

'Pero alam kong kahit galit ako, wala nang maiiba. Hindi ko naman pwedeng ipabalik sayo ang halik na ninakaw nya.' Suminghot si Kathryn at hinagod ang umuumbok nang tyan. 'Pero sana, tandaan mo na mahirap nang muling ibalik yung dati.' Iiling iling na sabi ni Kath. 'Hanggang kailan ba kita papatawarin DJ? Bakit ba kahit anong gawin mo sa akin, pinapatawad pa rin kita? Bakit ba kasi...' At hindi na nga napigil ni Kathryn ang mga luha. 'Bakit ba kasi mahal na mahal kita kahit gago ka?'

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon