Chapter 32: Frustrations And Promises

32.2K 539 80
                                    


**********

Naramdaman ni Daniel ang init ng sikat ng araw na tumatama sa kanyang balikat kinaumagahan. Napangiti sya. Hindi muna nagmulat ng mata sapagkat naisip nyang kung panaginip lamang ang lahat ay ayaw na muna nyang magising. Kinapa nya ang kabilang bahagi ng kama at para syang nabuhusan ng malamig na tubig nang wala syang nahawakan kundi ang hungkag na espasyong kagabi lamang ay inookupa ng hubad na katawan ng asawa.

Dali- dali syang tumayo at tumakbo sa kanilang banyo. Pinakiramdaman kung nakabukas ang shower o may wala sa tonong naghu-hum sa loob nito. Wala. Ang tanging alaala na lamang marahil ng kung ano mang nangyari kagabi ay ang nakakalat nyang damit sa sahig ng kwarto. Isa isa nya itong dinampot saka isinuot bago lumabas.

'Nakita nyo ba ang Ma'am Kathryn nyo?' Tanong nya sa nakasalubong na kasambahay sa may kusina.

'Kanina pa po umalis.' Tugon naman ng tinanong.

'Saan daw nagpunta?'

'Wala pong sinabi. Nagbilin lang po na ipagluto kayo ng almusal. Kain na po.'

He fished for his cellphone from his pocket and tried to call Kath.

Nakaupo sa make-up chair kaharap ng vanity mirror sa loob ng kanyang tent si Kathryn habang hinihintay ang kanyang MUA nang makita ang paulit ulit na pag-ilaw ng screen ng kanyang cellphone. Dinampot nya ito at nang mapansing ang asawa nya ang kumo-contact sa kanya, agad nya itong ini-off.

Napatutop na lang sa ulo si Kath. Nagsisisi syang hinayaan nyang maangkin muli sya ng asawa. Dahil don, pakiramdam nya ay hawak na naman sya ni Daniel. Huminga sya ng malalim at pinilit ngumiti pagkatapos. Maya maya pa ay dumating na ang hinihintay.

'DJ? Problema mo? Ang aga a!' Sagot ng kanyang Tito Dho.

'To Dho, favor naman o.' Malambing na pakiusap nito sa kaibigan ng ina.

'Ano ba yon?'

'Lambingin mo naman si Mama Min o. Alamin mo kung nasan ang asawa ko ngayon.'

'Hay naku DJ! Ano ba naman yan?! Diba dun na nagpagabi sa bahay nyo kagabi?'

'Paggising ko kanina, wala na e.'

Ramdam ni DJ na naka-ismid na ngayon ang kanyang Tito Dho. Naka-ismid pero nakalabas ang dimples. Tyak nyang di sya matitiis nito.

'Oh sige. Titingnan ko ang magagawa ko ha. Utang na loob DJ! Ayusin mo yan. Naaawa na ko kay Danilo.'

'Kaya nga tutulungan mo ko diba, Tito? Maliligo lang ako. Sana pagkatapos ko, may text ka na saken kung nasan ang asawa ko.'

'Demanding masyado. Maligo ka na. At magkuskos ka ng maigi!'

********

'Si Kath?' Nagmamadaling tanong ni DJ nang makarating ito sa location kung saan nagte-taping ang asawa.

'Nasa loob. Nagbibihis.' Tugon naman ni Ganda na nakatanghod sa labas ng tent ni Kathryn. 'Teka, DJ!'

Sinubukan pang pigilan ni Ganda ang asawa ng alaga ngunit gaya ng dati ay nilagpasan lang siya nito.

'Kath.' Tawag ni DJ nang hawiin ang nakaharang sa daanan.

'Anong ginaga-- Oh my God!' Nag-panic ang buong pagkatao ni Kathryn when she realized that she was facing him, half naked. Agad niyang kinuha ang robe at itinakip ito sa kahubdan nya.

'Mag-usap tayo, parang awa mo na.'

Hindi na nagulat si Kathryn nang biglang lumuhod si DJ.

'Ano pa bang pag-uusap ang kailangan nating gawin?' Tumalikod sya kay DJ at iniayos ang pagkasuot ng robe na kanina ay hawak lamang nya.

Hanggang Sa Maaari (PKK: Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon