SIMULA

12 0 0
                                    

ALAS-DOSE ng tanghali. Halos lahat ng estudyante ay nasa loob ng School Cafeteria. Inilibot ko ang aking mga mata at nasilayan ko ang bestfriend kong si Art na papalapit sa akin. May dala dala siyang mga libro at halata mo sa mukha niya na pagod na pagod siya.

"Anong mukha yan?" tanong ko pagkalapit na pagkalapit niya sa'kin. Halata kasi sa mukha niya na naiinis siya.

"Jusme sis. Naistress ako sa mga estudyante dito" sabi niya habang nilalapag ang kanyang mga gamit na bitbit sa lamesa.

"Anong nangyari?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Ngayon lang kasi ata sila nakakita ng maganda" natatawa pero bakas pa rin ang inis na sabi niya.

"Sino ba kasing nagsabi sayong maganda ka" tanong ko sa kanya na nagpakunot ng noo niya.

"Hoy. Mas maganda kaya ako sayo Gab" taas noong sabi niya sa'kin.

"Yikes, san banda dyan Art?" tanong ko at nagkunyaring pinagmamasdan ang kanyang mukha.

"Panira trip ka talaga e, noh?" sabi niya na halatang naiinis na rin pati sa'kin.

"Psh, ano ka ba?! Hindi ka maganda, ang gwapo gwapo mo kaya. Gumising ka nga Aries" nanenermon na sabi ko sa kanya. Nagkibit balikat lang siya at agad agad na tumayo. Siguro mag-oorder na siya ng pagkain namin.

Si Aries Dela Cruz, bestfriend ko since highschool. Siya yung kasabayan ko sa mga trip ko sa buhay. Sa lahat ng taong kilala ko, siya ang pinaka-nakakaintindi sa akin. Maski kasi magulang ko, parang wala ng pakialam sakin. Siya at si Gwen nalang yung nalalapitan ko kapag kailangan ko ng tulong. And oh btw, si Gwen naman ay naging kaibigan ko lang ngayong College. President siya ng student council ng school na pinapasukan namin kaya naman sikat siya sa buong Campus. Maraming nagsasabi at nagtatanong kung bakit daw ba nila ako kinaibigan. Pareho kasing mayaman ang mga pamilya nina Art at Gwen. Sikat ang mga pamilya nila sa buong lugar namin dito sa Laguna. Ako? Ewan ko basta buhay at nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw. Wala na akong pakialam dun sa mga taong nagagalit sa akin na kesyo gold digger daw ako at hindi daw ako deserving maging kaibigan sina Gwen at Art. Psh ano bang pake nila?!

Sa haba ng pagmumuni-muni ko, hindi ko namalayang naka-order na pala si Art at nag-uumpisa na sa pagkain.

"Hoy Gab kain na" sabi niya habang ngumunguya

"Ah sige, Salamat." pilit ang ngiting sagot ko sa kanya

"Okay ka lang ba? Oy hindi ako galit sayo ah" sabi niya habang pumipikit-pikit pa

"Jeezz hindi naman yun. Wala 'to, may naalala lang ako" sagot ko sa kanya bago mag-umpisang kumain.

"Sure ka dyan ha?" paninigurado niya sa'kin

"Mukha ba akong sinungaling?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong lunukin ang pagkaing nasa bibig ko

"Psh. Hindi naman, naninigurado lang" sabi niya

Hindi na ako sumagot at ipinagpatuloy na naming ang aming pagkain. Tahimik lang kaming dalawa ng may biglang pabagsak na umupo sa tabi ni Art.

"Ayoko na! Pagod na pagod na ako!" reklamo ng kaibigan naming si Gwen. Kakarating niya pa lang kasi galing sa office nila.

"Beks ang usapan natin ay 12, tingnan mo oh mag aala-una na" sabi ni Art habang pinapakita ang kanyang mamahaling relo kay Gwen

"Kumain ka na ba Gwen? Tapos na kasi kami ni Art" sabi ko sa kanya

"Arghh sorry talaga mga madz. Nakakainis kasi e. Nakaka-stress yung mga estudyante dito. Parang mga kulang sa aruga" pagsusumbong niya na sinasabayan namin ng pagtawa ni Art.

MEMORIESحيث تعيش القصص. اكتشف الآن