Pero okay lang. For our baby, I'll get through this.

Paglabas ko ng cubicle, I went to the sink to wash my hands. Hindi ko in-expect na may maabutan paglabas pero naroon si Merie, retouching her make-up.

She smiled when she saw me. I forced one, too.

"I heard you have a someone again," she said.

Natigilan ako saglit.

"I'm sorry, narinig ko lang kanina mula sa table ninyo."

I heaved a deep sigh and nodded. Binuksan ko na lang ang gripo at nag-hugas ng kamay.

"The father of your baby?" she asked.

Tumingin ako sa reflection ko sa salamin. Namumula pa rin ako sa tuksuhan kanina pero humuhupa na. "Yes," I answered.

Tumango siya. Merie met my eyes from the reflection. She smiled. "That's nice. Siguradong matutuwa si Mayor n'yan kasi straight ka na."

I closed the faucet and clenched my jaw. The thought of Merie telling the people in Cierra Estrella about it makes me angry. Parang pakiramdam ko, hindi pa man dumarating ang kinabukasan ay alam na ng Papa ko na may boyfriend ako.

Merie have to know her place, really. We're both professionals, but her prying and gossiping is not very professional. She should stop.

Umayos ako ng tayo at kumuha ng tissue sa dispenser. Habang pinapatuyo ang aking mga kamay ay tiningnan ko siya. "Merie, can I be frank with you for a moment?"

Tumigil siya sa paglalagay ng lipstick at tumingin sa 'kin. She gave me an innocent look, though I don't think she is. No person who constantly gets under another's skin is innocent.

"Sinasadya mo bang makialam sa buhay ko?"

She blinked. "Makialam? Sia, nagtatanong lang naman ako--"

"After mo makuha ang mga sagot, anong gagawin mo? Ichichismis mo sa Mama mo, na magpapalaganap ng balita sa Cierra Estrella, hindi ba?"

She blinked, guilt etched across her face.

I heaved a sigh. "Ang tagal ko nang naiinis sa 'yo. Ni wala akong ginagawang masama sa 'yo. Sana tigilan mo na, ano? I'm getting tired of it."

"Sia, hindi ko naman siguro kasalanan na sinasabi ni Mama sa iba 'yung sinasabi ko sa kaniya--"

Umiling ako. "Pero sa 'yo galing."

Nang dumaan ang ilang segundo na hindi siya nagsalita ay nagbuntong-hininga ako. "Hindi ako nag-eexpect na magbabago ka agad pero kung may ichichika ka sa mama mo, sana tama. 

"Yes, I have someone new, but you don't have to announce it to the world. I will if I want to. And no, I'm not straight, Merie. Kahit lalaki ang nagugustuhan ko ngayon, hindi ibig sabihin ay hindi na valid ang past relationships ko. I'm still gay. Just so you know."

After saying that, I threw the crumpled tissue. Kinuha ko na ang purse ko sa may sink at lumabas.

Napahawak ako sa dingding nang makalabas ako ng CR. I heaved a deep sigh. Bigla akong nanghina. Simpleng interaction lang naman 'yun pero parang naubos ang energy ko. 

Sakto, tumunog ang phone ko at nagpop-out ang isang text galing kay Raffy. Nasa Christmas Party rin ito ngayon ng center nila. His message read: Anong oras ang uwi mo?

Simpleng message, pero biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Napapikit ako't napabuga ng hangin. This guy will be the death of me.

When I didn't reply, a message popped out again. It said: Can I call? Pero hindi pa nga ako sumasagot ay nag-ring na ang phone ko.

Before RosaWhere stories live. Discover now