Nairitik niya ang mga mata. What a family!

Nang hindi siya umimik ay nagsalita ulit ito.

"Do you think that it's a wrong move? Na maging sekretarya ka niya? Nag-aalala ako sa anak ko na iyon. Alam mo naman ang mga pinaggagagawa niya, 'di ba? Sino bang maysabi sa kanya na for business purposes ang pagpapakasal?" palatak nito. "Kung kailangan mo siyang paibigin sa'yo para lang bumaba ng konti ang pride ng babaeng iyon ay gawin mo."

Napatuwid siya ng tayo. Sumeryoso din siya. Isa pa iyon sa mga problema niya. Isa rin sa mga rason kung bakit ginawa siyang sekretarya ni Gabby. Iyon lang ang tanging paraan para mabantayan ito. Noon kasi ay halos hindi siya makalapit kahit gadangkal lang kay Gabby. She was his personal Hitler. Malayo pa lang siya ay tinatarakan na siya nito ng nakamamatay na tingin.

Hindi niya maintindihan si Gabby. Ginawa na niya ang lahat para ipakita dito na walang kwenta ang effort nito para maghanap ng groom. Lagi na lang niyang pinapa-imbestigahan ang mga lalaking napupusuan nito. At laging palpak ang mga iyon kaya nag-aalala na ang ama nito. Pero syempre, knowing Gabby, hindi ito makikinig sa kanila dahil lang sa pride nito.

Hindi naman mapapangasawa ang hinahanap nito kundi business partner. Wala namang nagsasabi dito na gawin iyon para sa kumpanya. Noon at ngayon, para dito ay hindi nito kailangan ng lalaking mag-aalaga dito. Pinaniwala nito ang sarili na nabubuhay lang ito para sa kumpanya.

Kahit malimit ay ikinaiinis niya iyon ay humahanga pa rin siya kay Gabby. Alam naman niya kung gaano kaimportante dito ang estado nito sa lipunan. Hindi niya ito masisisi. Lumaki kasi ito sa paniniwala na ito ang magtutuloy ng pamamahala sa kompanya nito balang araw.

Naiintindihan naman niya lahat, kung sana lang ay hindi siya nasaktan sa ginawa nito...

Ipinilig niya ang ulo. Wala siyang karapatang magbalik-tanaw sa nakaraan kung hindi naman niya magawan ng paraan ang problema niya ngayon. Binalikan niya ang kausap.

"I promise you, I'll make Gabby understand. It'll only take a matter of time. Trust me, sir, like you have always did," pangako niya dito.

Kahit hindi niya nakikita ay alam niyang nasisiyahan si Alfredo Montecillo sa kabilang linya.

"I trust you, Sid. Kahit kailan naman ay hindi mo ako ipinahiya. Kung may anak lang ako na katulad mo..."

Natawa siya. His heart was instantly filled with gratitude.

"Don't go there, Sir. Malaki na ho ang utang na loo—Oh damn it!" Hindi niya mapigilang mapahiyaw nang makaramdam ng mainit sa balat niya. "I wasn't talking to you, Sir," mabilis niyang agap.

"Anong nangyari?"

"This dog just peed on me. Damn! Paano pa ako babalik sa opisina ng maaga?"

Ang plano niya ay ihatid lang ang aso sa clinic. Pero nang makita niyang mukhang hindi ito nakakatikim pa ng pagmamahal ay nagbago ang pasya niya. Ipinasyal niya muna ito. Ngayon namang kailangan niyang ibalik na ito sa bahay nito ay saka pa nito naisipang dumihan ang damit niya. Talk about gratitude!

"Manang-mana ka talaga sa amo mo na walang utang na loob. Ako na nga ang tumutulong, ako pa ang naalipusta," labas sa ilong na sabi niya. Nasapo niya ang noo. "Again, I wasn't talking about you, Sir."

Tumawa si Alfredo sa kabilang linya. "You have a handful there, Desiderio. Don't let her do whatever she wants," wika nito bago pinutol ang tawag.

Ibinaba niya muna ang aso at inalis ang coat niya. Tiningnan niya ang basang parte. Napangiwi siya. Ngayon pa lang ay naaamoy na niya ang baho ng ihi sa polo niya. Tyempo naman na wala siyang dalang pamalit sa loob ng kotse niya.

"Uno, sa susunod na gawin mo ulit sa'kin 'to—"

Saka pa lang niya naalala ang aso. Pagtingin niya sa tabi niya ay malayo na ang natakbo nito. Nanlaki ang mata niya nang makitang tumatawid na ito sa kalsada habang paroo't-parito ang mga sasakyan. Sa lagay ay mukhang konting oras na lang ang ilalagi nito sa mundo. Lalo pa syang kinabahan nang makita na may truck na paparating sa direksyon ng aso.

"Shit!" Iyon lang ang naiusal niya habang naghihintay na dumanak ng dugo sa kalsada.

Halos hindi na siya humihinga habang hinihintay na makita ang kinahinatnan ng pangarap ni Gabby na maging numero uno. Pero hindi na niya kinailangang maghintay nang matagal. Nakita niya si Uno na ligtas na nakatawid sa kabilang kalsada. Nakaupo na ito at nakatingin sa kanya na labas pa ang dila. Mukhang tuwang-tuwa pa ito na pinaglalaruan ang damdamin niya.

Nahilot niya ang batok sa pagod at inis. Kaparehong kapareho ito ng amo nito na hindi mapatahimik ang loob niya. Maybe it was high time he teach the dog and its owner a lesson or two.

Seasons 3: The Fall of AutumnKde žijí příběhy. Začni objevovat