Chapter Seventeen

457 19 0
                                    

"Blooming ang ale. Bakit kaya?" pakanta pang sabi ni Nica sa kanya.

Kasalukuyan silang kumakain sa coffee shop dala ng pagod. Kanina ay kausap niya si Apollo at tinatanong kung nasaan si Andy. Mukhang may hindi pagkakaintindihan ang dalawa at mukhang tinamaan nga ata si Apollo sa kapatid niya. Naguguluhan siya sa set-up ng dalawa kaya hinayaan na niya ang mga ito na makapagusap muna. Sila naman ni Nica tuloy ay naiwang lumalantak ng mga pagkain.

"Blooming ka diyan," ingos niya sa kaibigan. Pero napapangiti pa rin siya.

"Huli ka 'teh! Ayan oh, kitang-kita ang ngiti!"

Nilaro-laro niya ang rim ng baso ng juice na iniinom niya. Hindi niya rin alam ang iisipin sa mga nangyayari.

"Nica, na-inlove ka na ba?"

"Normal akong tao, so oo naman."

"Ano'ng pakiramdam ng in-love?"

Napapangiti-ngiti si Nica. Mukhang alam nito ang dilemma niya pero sinasagot pa rin ang tanong.

"Masaya ka kapag kasama mo siya. Minsan, hindi mo na kilala ang sarili mo dahil may mga nagagawa kang bagay para sa kanya na hindi mo nagagawa sa ibang tao. Gusto mong ikaw lang ang titingnan niya. Pero hindi mo masabi dahil natatakot ka na baka sabihin niya na hindi ganoon ang nararamdaman niya sa'yo."

Nagulat siya. Kuhang-kuha nito ang nararamdaman niya. "Bakit mukhang may pinaghuhugutan ka?"

Pinandilatan siya nito. "Ikaw ang may problema, huwag ako ang tanungin mo. Si Sid 'yan, ano?"

Napasinghap siya. "Sinong maysabi sayo?"

"Ho-ho! Huli ka. Eh, malamang, si Sid lang naman ang kasama mo lagi. The great Gabrielle Montecillo is on her heels right now. Pa-pa-party ako!"

Umirap siya. "Hindi ako in-love sa kanya. Medyo natutuwa lang ako kapag kasama siya. But I can't be in love with him."

Kumunot ang noo ni nica. Halatang hindi maintindihan ang sentimyento niya. "Bakit naman? Eh sa mahal mo nga, ano'ng magagawa natin?"

"Nica, I can't be in love with Sid. He's not right for me. Hindi kami bagay. I'm Gabrielle Montecillo. Everyone expects me to be with someone with the same social status. While Sid..." Humugot siya nang malalim na paghinga. "Sid can't offer me anything."

Hindi niya alam kung sino ba ang kinukumbinsi niya – si Nica o ang sarili niya. Alam naman niya ang bawal at hindi. Ang taboo sa dapat. Pero hindi niya inaasahan na ganito ang kahihinatnan ng lahat. She thought that it was a harmless flirtation. Gawain naman niya 'yon noon pa. Pero iba si Sid. What she felt for him was different.

Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Nica. "Pero nasa iyo na ang lahat, Gabby. Ano pa bang gusto mo?"

Natigilan siya. Hindi niya alam ang isasagot kay Nica. Nakakaunawa ang ngiting iginawad sa kanya ni Nica.

"Ang problema kasi sa'yo, Gabby, lahat ay sinusukat mo kung ano ang maiibigay ng mga tao sa'yo. Ako, kinuha mo akong DJ dahil ma-PR ako. Si Atasha dahil magaling siyang makinig sa mga tao. Syempre, si Andy dahil alam mo na kailangan mo pa ng mag-ma-manage ng bar mo." Nang akmang ko-kontrahin niya ang sinabi nito ay pinandilatan siya nito. "Huwag ka nang kumontra dahil alam na ng lahat 'yon. Tanggap namin na ganon ka. It's just part of who you are."

Nalukot ang mukha niya. "Masama ba akong tao?"

"Hindi. Ang ibig lang sabihin, alam mo ang gusto mo sa buhay. Alam mo ang priorities mo." Tinapik nito ang balikat niya. "Pero hindi sa lahat ng oras ay dapat na sinusukat mo kung ano ang maiibigay ng mga tao sa paligid mo. The people we love are priceless works of arts, Gabby."

"So, you're saying?"

"Ang sinasabi ko, kung mahal mo si Sid, wala namang pumipigil sa'yo."

"Sa tingin mo, mahal ko na nga siya?"

Ngumisi ito. "Hindi rin nga ako makapaniwala na may puso ka pala, eh. But it seems like it. You're glowing dear. Halatang halata."

May pagaalinlangan pa rin siya nang tumingin sa kaibigan.

"I-is it really okay? I mean, is it really okay if I love someone like Sid? Anong sasabihin ng mga tao sa kumpanya?"

Pumalatak si Nica. "Oo naman! Eh ano kung sekretarya mo lang siya? If he makes you happy, you should go for him. Matagal na naming kilala si Sid at mabuti siyang tao. He may not be as rich and as powerful as those guys you went out with, but he is his own person."

"And he is smart, and funny, and caring. Plus, he kisses well," napapangiti nang sabi niya. Parang may nagtanggal ng piring sa mata niya ng mga sandaling iyon.

Humagikgik si Nica. "And hot. Don't forget to mention that your secretary is hot."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Hoy, Nica, akin si Sid so hands-off."

"Sus, possessive si Ate," napapailing na sabi nito. "Paano ba 'yan, ako na lang ang single. Mukhang may happy ending na rin si Andy kay Apollo niyan."

"Mac is still available," paalala niya dito.

"Sakalin mo na lang ako," nababagot na sabi nito.

Napailing na lang siya. Itinaas niya ang baso ng juice kay Nica. "Let's toast to our future happiness."

"Amen. Basta ikaw ang magbabayad ng kinain natin."

Seasons 3: The Fall of AutumnWhere stories live. Discover now