Chapter Twenty Eight :

34.2K 960 23
                                    

A/N : SHORT UPDATE :) wala na akong masyadong maisip eh..itatry ko pong mag-ud mamayang gabi o bukas na siguro

Chapter Twenty Eight :

Winter's Pov :

Masaya talaga pag may mga kapatid at mga magulang kang nag-aalaga sayo. Alam ko na din sa wakas kung ano ang pakiramdam ng may kapamilya, yung hindi ka pipilitin sa gusto nila, hindi sayo ang mga bintang na hindi mo naman ginawa, yung pinaparamdam sayo kung ano talaga ang tunay na pagmamahal ng isang magulang at kapatid.

"Kain ka lang ng marami anak"

"Mom , Bakit ang dami yatang nakahanda ngayon?"

"hindi ko naman kasi alam kung ano ang paborito mong pagkain anak kaya pinahanda ko na lahat"

Simula nung nagising ako, wala silang ibang ginawa kundi ang alagaan at iparamdam sa akin na mahal nila ako bilang isang anak nila.

Hindi ko alam kung paano nalaman nila ice at frost na ako ang nawawalang kapatid nila basta nung nagising ako, may bigla nalang yumakap sa akin ng napakahigpit , walang iba kundi ang tunay kung ina at ama

Tanggap din ako nung kambal bilang kapatid nila , lahat ng wala ako ay binibili at binibigay nila katulad na lamang ng kotse , condo at ang ibang ari-arian nila.

Hindi sa hindi ko kayang bilhin ang mga yun nung hari pa ako sa kabilang organisasyon , hindi ko lang talaga kasi trip. Sinabihan ko nga silang dalawa na wag nalang akong bigyan ng mga yun pero nagpumilit talaga sila.

Tinuruan din nila ako kung paano masterin lahat ng martial arts , may iba pa kasi akong hindi alam dahil wala akong oras para diyan kaya nung nalaman nila na gusto kung matutunan lahat ng martial arts ay agad silang nag set ng date kung kailan kami magsisimula.

Pati nga kung paano mag invent ng mga bagay-bagay ay tinuro din nila. Isang araw nga gumawa kami ng isang machine para makapagteleport ka , gumana naman ito pero malas nga lang dahil nung umiinom ng tubig si frost ay hindi niya namalayang may natapong tubig galing sa baso niya kaya ayun, sumabog yung nainvent namin.

Sinabihan din nila ako tungkol sa mga personal lives nila kaya pati nadin buhay ko ay nabunyag, pati nga yung pagiging hari ko sa kabilang organisasyon.

Akala ko magagalit sila sakin pero kabaliktaran ang nangyari dahil mas natuwa pa sila sakin, nagpasalamat pa nga sila sakin sa lahat ng paghihirap na pinadanas ko sa kanila.

Tinanong ko nga sila kung bakit masaya pa sila sa ginagawa ko sa kanila noon pero ang sagot nila, masaya daw kasi silang may nabubugbog pag gutom na gutom na ang kanilang mga kamao at mga armas at para narin daw magamit nila ang mga ininvent nila.

Sa mga araw na kasama ko sila ay masasabi kung pinaka weird at dangerous silang dalawa dahil parang wala lang sakanila ang mga nangyayari sa buhay nila, sanay na daw kasi sila sa mga ganung pangyayari kaya hindi na bago sakanila yun.

Sinabihan din nila akong mag-ingat sa mga darating na araw dahil mas maraming pagsubok ang madadaanan ko lalo na kapatid ko ang pinaka wanted sa ibang organisasyon.

Akala ko nung una ako lang ang may gustong makuha ang trono nila pero nagkakamali pala ako dahil napakaraming kaaway ang naglilibot na sa mundo para mahanap lang sila.

Hindi naman ako nagsisi na sila ang kapatid ko kung tutuusin nga, mas masaya na ang buhay ko ngayon dahil bukod sa kompleto na ang pamilya ko , kompleto na din ang

TRIO NG KAMATAYAN

The Cold Empress/Gangster ✔️ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon