Chapter Thirty Two :

31.1K 807 41
                                    

A/N : AYO WADDUP! Sorry sa late update...Medyo busy eh
Vote, comment ang be a fan :) BRUH!

Chapter Thirty Two :

Third Person's Pov :

Awang-awa na ang lahat kay Ice dahil sa ginagawa ni Ace sakanya. Nung pumunta si Ice dun sa hospital kung saan dinala si Trace para dumalaw at para narin magpaliwanag kay Ace ay pinagtabuyan lang ito pero hindi padin umaalis si Ice at patuloy humingi ng kahit sandaling oras para sana magpaliwanag pero gumabi nalang ay hindi padin ito hinahayaan ni Ace na magpaliwanag hanggang sa dumating si Frost at niyaya ang kapatid na umuwi muna.

Sa ikalawang araw naman ay pumunta ulit si Ice sa hospital ng makasalubong niya si Ace.

"A-ace, bigyan muna man--"

"Wala na tayong dapat pag-usapan pa Ice"

"P-pero"

"Umalis ka na! Bago pa ako hindi makapagpigil at masaktan kita"

Walang nagawa si Ice kundi ang umalis. Madalas nading hindi makahinga ng maluwag si Ice dahil sa paninikip ng dibdib pero hindi niya ininda yun at sinubukang pakalmahin ang sarili at uminom ng maraming tubig, hindi kalaunan ay naging maayos na ulit ang pakiramdam niya.

Hanggang sa isang buong linggo ay hindi padin nagigising si Trace at masama padin ang loob ni Ace kay Ice. Sinubukan ding kausapin nila Frost si Ace upang ipaalam ang totoong nangyari pero talagang wala itong balak na pakinggan ang paliwanag nila.

Maagang nagising si Ice para pumunta sa Hospital para dalawin ulit si Trace at sa huling pagkakataong susubukan niyang ipaliwanag kay Ace ang nangyari.

*tok*
*tok*
*tok*

Binuksan naman si Ace ang pinto dahil sa inakalang magulang nila ang dumating

"Anong ginagawa mo dito?"

"Gusto ko lang sanang dalawin si Trace"

"Yun lang ba?"

"At tska--"

"Kung tungkol na naman ito sa pagpapaliwanag mo! Pwes tigilan mo na ako dahil walang mapapala ang paghingi mo ng sorry!"

"Gusto ko lang namang malaman mo ang totoong nangyari"

"Ano bang hindi totoo sa nangyari ?! Ha!! Ice!!? Kitang-kita ng dalawang mata ko ang ginawa mo sa ate ko!"

"M-mali naman kasi yung nakita mo!"

"At may gana kapang sumigaw?! "

"H-hindi naman sa ganun Ace"

"Ano bang hindi?!!! Gulong-gulo na ako sainyo!!"

"Hayaan mo kasi kaming magpaliwanag!"

"Umalis kana"

"Makinig ka naman ace"

"Umalis ka na sabi eh!!!"

Tinulak ni Ace si Ice kaya medyo napasubsob si Ice sa sahig. Nabigla naman ang dalawa. Hindi kasi akalain ni Ice na masasaktan siya ni Ace habang si Ace naman ay hindi niya sinasadyang matulak si Ice. Magsasalita na sana si Ace ng

"Anong ginagawa mo sa kapatid ko?!!! Sumusubra ka na ah!!!"

Sinuntok ni Frost si Ace. Pinunasan naman ni Ace ang dugo sa gilid ng labi niya.

"Ha!!! Dapat lang sakanya yan!!"

"Ibang-iba ka na talaga Ace!!! Hindi na ikaw yung kilala naming ace!"

"Dahil tuh sa walang hiya mong kapatid!!! Kung hindi sana niya binaril yung kapatid ko, hindi sana siya nakahiga diyan sa loob!"

"Wala kang alam sa totoong nangyari ace!!!"

"Ano bang hindi ko alam !!!? Sinasabi mo bang lahat ng nakikita ko ay puro kasinungalingan?!"

"Wala kang alam dahil hindi mo kami hinahayaang sabihin sayo ang totoong nangyari!! Puro nalang panunumbat at masasakit na salita ang nilalabas ng bibig mo!! Ano bang pinuputok ng butchi mo?!!! "

"K-kuya tama na please"

"Hindi!! Hindi hime!! Tama na ang isang linggo na nagpapakatanga ka diyan sa lalaking yan!! Lahat ng naramdamang sakit niyan ngayon ay kulang pa sa ginawa niya sayo hime kaya ikaw!!! Magbabayad ka sa ginawa mo sa kapatid ko! Wag kang humingi ng tulong sakin pag nalaman mo na ang totoo!"

Hinagis ni Frost ang isang Cd malapit kay Ace at tsaka niya hinila si Ice para umuwi na sa bahay nila. Agad naman silang nakarating sa mansion nila kaya agad ng ginamot ni Frost ang sugat na natamo ni Ice kanina.

"Okay ka lang hime?"

Nakatulala kasi ito pero bigla nalang itong umiyak ng umiyak kaya inalo niya ito.

"B-bakit ganun?! Wala naman akong ginawang masama ah!! Bakit ako nalang parati ang nabibintangan?!"

"Shhhh, tahan na hime, malalampasan din natin tuh"

"*sob* B-bakit?!*sob* ito na ba ang karma sa lahat ng pinatay ko?! Dahil sobrang sakit!! Ang sakit dito oh!"

Tinuro nito ang dibdib habang patuloy sa pag-iyak pero nagtaka nalang si Frost ng bigla nalang itong tumigil sa pag-iyak at humawak ng mahigpit sa may dibdib na para bang hindi makahinga. Unti-unti ding umikot ang paningin ni Ice

"K-kuya! H-hindi A-ako m-makahinga"

At tuluyan na siyang nawalan ng malay

"Ice!!"

The Cold Empress/Gangster ✔️ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon