Move On

24 2 0
                                    

Move on…

 

Dalawang salitang napakadaling sabihin, ngunit bakit napakahirap gawin?

Tatlong taon…

 

Tatlong taon ko nang sinusubukang gawin ang bagay na iyan ngunit hanggang ngayon, hindi pa rin ako nagtatagumapay.

Bakit nga ba?

Bakit nga ba sa kabila ng lahat ng ginagawa ko para makalimutan siya ay hindi pa rin siya mawala sa isip ko?

Bakit nga ba kahit ilang beses na akong sumubok na magmahal ng iba ay siya pa rin ang isinisigaw ng puso ko?

Bakit nga ba kahit napakatagal na simula nang mangyari iyon ay nasasaktan pa rin ako?

Bakit sa kabila ng lahat ng pagsusumikap ko ay paulit-ulit lang akong nabibigo?

Bakit nananatili pa rin ako sa lugar kung saan niya ako iniwan noon?

Bakit hindi ko magawang umusad?

Bakit hindi ko magawang maihakbang ang mga paa ko?

Anong problema?

Saan ako nagkulang?

Saan ako nagkamali?

Mali ba na minahal ko siya ng higit pa sa sarili ko?

Mali ba na ipinaglaban ko ang pag-ibig na alam kong totoo?

Bakit napakalupit ng tadhana sa akin?

Nagmahal lang naman ako.

Yun nga lang…

 

…sa maling tao.

BUNTONGHININGAWhere stories live. Discover now