Katahimikan

37 2 0
                                    

Nag-uunahang pumatak ang mga luhang matagal nang pinipigilan.

Bumibilis ang kabog ng pusong nahihirapan.

Hinahabol ang paghinga na para bang may tinatakasan.

Nagsusumigaw ang pagkataong nasa kanyang kulungan.

Ngunit...

Nababalot ito ng  ...

Katahimikan.

Nakakatakot ang sobrang katahimikan na para bang isang hindi magandang bagay ang mangyayari.

Nararamdaman ko na naman ang bagay na iyon na gusto ng sumabog.  Nahihirapan na akong huminga.

Bumibilis ang kabog ng dibdib.

Tikom ang mga bibig.

Nagtatagis ang mga bagang.

Nahihirapan na akong labanan ang halimaw.

Malalim ang paghinga na animo'y inihahanda ang sarili sa isang labanan.

Nagdilat ang mga matang nanlilisik.

Dumagundong ang malakas na sigaw sa apat na sulok ng madilim na silid.

Walang ibang narinig kundi ang kaniyang pagwawala.

Puno ng galit at pagkapoot.

Natatakam sa paghihiganti.

Ngunit hindi natinag ng kanyang pagwawala ang katahimikang bumabalot sa paligid.

Tumigil sa pagwawala ang halimaw.  Nalugmok ito sa gitna ng madilim na silid.

Kasabay ng pagbagsak ng mga luhang nag-uunahang pumatak ay nagpakawala ito ng isang malalim na...

haaayyyyyyyyy.....

:::BUNTONGHININGA:::

Anna Maria
💋

BUNTONGHININGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon