I'M HIS GIRL PART 1

Start from the beginning
                                    

"Hahaha looks like she's telling a truth? Halatang kabado ka. It's okay," he said then smiled at me.

From that time, my heartbeat beats so fast but I still act normal. Ayokong isipin niya na kapareho lang ako ng ibang babae na nagkakagusto sa kaniya. Yung tipong halos mamatay sa kilig, ngitian ka lang.

We talked too much than I expected. I really don't know na ganito pala siya kabait unlike sa ibang mga lalaki. He's approachable that makes my heart melts. Also, the way he talk makes me calm and his smile is so damn ang sarap titigan.

"Tama na titig baka mailang 'yung tao." Siniko ako ni Ruffa. Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako. Nakakahiya, kaya napagpasiyahan ko na umalis na lang. Matagal-tagal na rin naman kami nakikipag-usap sa kanila.

"Ikaw ha! Halatang gusto ka niya kausap," pangaalaska ni Ruffa kaya natawa na lang ako.

Aminin ko man o hindi. Kinikilig talaga ako sa katotohanang nakausap ko si Angelo ng matagal kasama ang mga kaibigan niya.

"Bukas ulit?" sabi ni Ruffa kaya wala ako nagawa ako tumango na lang. Gusto ko rin kasi maulit at maulit pa ng maraming beses.

---

1 week?

2 weeks?

No!

3 weeks since the first time I have a conversation with Angelo and until now, nag-uusap pa rin kami. Guess what! Mas naging close kaming dalawa ni Angelo. Kami na lagi ang magkasabay kumain and  even sa pag-uwi sa hapon.

Minsan nga nagkaroon ng issue sa school na kami na raw ni Angelo but the truth is kaibigan lang talaga.

"Bakit lagi ka ata nag-iisip ng sobrang lalim?" Angelo asked, laughing.

Iniisip ko kasi kung tama ba na umamin ako sa harapan niya kahit na alam na niya. Mas maganda pa rin na ako mismo ang magsabi.

"Pasensya ka na ah? May prob--"

"Can I help you?"

"Hindi na. Kaya ko na ito tsaka…"

"Aamin ka na ba?"

"Ha?" gulat na tanong ko.

He laughed. "Sabi ko kung aamin ka na? Naghihintay lang naman ako sa'yo na aminin mo sa akin ng harapan na gusto mo talaga ako para masabi ko rin sa'yo ang gusto ko sabihin."

"You're waiting?"

He nod. "C'mon, Amethyst. Tell me now. Tell me that you're in love with me. That you're addicted to my sexy and hot bo--aray! Biro lang naman!"
Hinampas ko kasi siya dahil umaatake na naman pagkamanyak niya. Never ako naadik sa katawan niya. Never talaga.

Kahit kagabi ni-magine mo siya naliligo ng hubad sa banyo? My subconscious said.

"So? May balak ka na ba? Naiinip na ako, hon."

"Hon?" takang tanong ko. "Bakit may hon? Tayo na ba?"

"Alam mo ang bagal mo. Nakakainip maghintay lalo na at nangangati na rin ang dila ko umamin."

"Mauna ka!" sabi ko na lang. Babae pa rin ako 'no.

"Aish! Fine! Kainis naman! Amethyst," aniya at hinawakan ang kamay ko.

Oo nga pala nasa may garden kami ng school at kami lang ang nandito ngayon. Perfect timing.

"Tanda mo pa noong unang araw na nag-usap tayo? That day, alam mo ba hindi ako nakatulog? Hindi ko alam kung bakit pero nakakaadik lang pakinggan yung tawa mo, yung ngiti mo na umaabot sa mga mata mo. Yung pag-ayos mo sa bawat hibla ng buhok mo para lang ilagay sa likod ng tenga mo. Lahat ng 'yon hindi ko makalimutan. Is this the love at first sight? Tss, corny. Pero seryoso, Amethyst, noong unang araw na 'yon para akong tanga hindi makausap dahil yung mukha mo ang lagi ko nakikita at naiisip ko. Minsan napagkakamalan ako ng mga kaibigan ko na baliw kasi nga lagi ako nakangiti. Kaya sabi ko sa sarili ko, lagi na ako nasa tabi mo kasi hindi na mabubuo ang araw ko kapag hindi kita nakikita. Akala ko noon normal lang ang ganito pero habang tumatagal lumalakas ang epekto mo sa akin. I never thought that I will ended up like this."

I'M HIS GIRLWhere stories live. Discover now