"Thank you, Neil"

"No worries. Speaking of the news, baha na ng tags ang social media accounts ko. Baka ito na 'yon. I'll contact my handler first, okay? Don't worry. I got you", he said before he bid goodbye.

Bago bumaba sa kotse ay nagsuot kaagad ako ng shades at mask. Hindi ko alam kung may makakakilala sa akin at kung mayroon nga, baka dagsa ang media rito mamaya. The admin and staff won't let anyone know that I am residing here because the Deltrazos own this whole tower. Ang kinatatakot ko ay baka 'yung mga nakatira rito naman ang magkalat.

Handa naman akong magpainterview. Handa akong humarap sa mga tao at magpaliwanag. It's just that things are too overwhelming for me now and I can't think properly. Kalat ang isip ko ngayon dahil sigurado akong pati si Theo ay magugulat kapag nabalitaan niya ang ginawa ko.

All I want to do now is rest. I don't want to entertain anyone at the moment. Magsasalita ako kapag nakapagpahinga na ako.

I slept all day inside our room. Isang malutong na mura ang gumising sa akin at pagtingin ko ay si Theo pala 'yon.

"Shit!", he cursed. With half-opened eyes, I looked at our overlooking view of the city. Gabi na at kitang kita ang mumunting mga ilaw mula sa mga nagtataasang building sa paligid.

"Hi", I said and stretched my arms.

"I was so worried", lumapit siya sa akin at pawis na pawis. Niyakap niya ako nang mahigpit na akala mo naman ay hindi kami nagkita kaninang umaga.

"Why? Have... have you heard of the news?", I asked him.

"Yeah. You weren't answering my calls and messages so I thought you were in trouble or something. Did something bad happen? Anong sabi ng handler mo? What about your upcoming projects and your loveteam? Nagalit ba – "

I stopped him from speaking and sealed his lips with mine. He responded to my kisses but also withdrew from it. So he's really worried, huh?

"Alam kong namiss mo ako at ang katawan ko pero sagutin mo muna ako, love – ouch!", kinurot ko ang tagiliran niya dahil umiiral na naman ang kayabangan niya.

"Everything is going to be fine, okay? I talked to my handler and she's fine with it. Wala naman akong nilabag sa kontrata ko. It's just that... mukhang last project na namin ni Neil 'yung upcoming movie namin or baka mapalitan ako pero ayos lang naman. I'm sure marami pang darating na projects. So chill, babe", I said and smiled at him.

"Are we really going public now?", ngiting ngiti niyang tanong sa akin.

"Yes. Why? You don't want it?", subok ko sa kanya at pinitik niya naman ang noo ko.

"Of course, I want it. Ang dami kong follower requests. I-public ko na rin ba account ko?", tanong niya sa akin. Naroon ang mga pictures namin sa Instagram niya pero dahil nakaprivate ang account niya, iilan lang ang nakakakita. Iyong mga walang pakialam sa mga ganitong mga tsismis.

"Ikaw ang bahala but... they might bash you", I reminded him. Baka may mga fans pa rin na ipaglaban kami ni Neil at kung anu-anong mga i-comment sa account ni Theo.

"I don't mind. Bash me all they want. Walang makakasira sa mood ko", hinagkan niya ako nang marahan at pagkatapos ay tumingin diretso sa 'king mga mata. "I'm so happy. Parang sasabog ang puso ko sa saya. Thank you", he said and kissed me again.

Kinabukasan ay pumayag na akong magpainterview. It was an exclusive interview and I'm sure the press will be outside the studio after.

"Good evening, Clara. Welcome to the program", bati sa akin ng host.

"Good evening, Louie", I greeted and smiled. Hindi ito live and it will be aired some time later in the evening.

"I will get straight to the point. What was the Instagram post all about? I mean it clearly says that both of you are in love but can you tell us what's the story behind that romantic photo"

Lose to Win (Trazo Real Series #2)Where stories live. Discover now