Lilingunin ko pa sana siya uli kaso naka alis na pala siya, ang bilis naman?

---

Kasalukuyan akong naghuhugas ng pinggan kasi dito na ako naka-assign hindi na sa cashier

"Sayang hindi ko naabutan si Kuya Evan dito pala siya nagtatrabaho noon, sayang" Bigla bigla nalang talaga siyang nagsasalita sobrang daldal niya. Pero kilala niya si Chase? 

"Mabuti lang yun" Wika ko

"Ang sama, alam mo crush ko lang si kuya Evan hindi lang kasi siya gwapo napaka ganda pa ng boses niya!" Sang-ayon naman ako sa sinabi niya pwera sa gwapo si Chase

Tyaka bakit ang daming may gusto sa kanya e parang normal lang naman siya sakin

Hindi, mali hindi pala siya normal!

Abnormal nga pala siya.

"Mag trabaho ka nalang, Nyx" Sabi ko para naman tumigil na siya lagi nalang siya maingay pero ang nakakaasar sakin lang siya ganyan kadaldal hindi niya ba alam na sawang sawa na ako sa kadaldalan niya?

Nalingon ko naman yung gawi niya kasi natigilan siya at pagtingin ko sa kanya at naka nga nga pa ito. Ano na namang kabaliwan ang pinaggagagawa ng babae na ito?

"Tinawag mo ba ako gamit ang pangalan ko?" Takang tanong na para bang hindi makapaniwala sa narinig

Tumango lang ako.

"Halaa! Grabee isa pa nga!" Hirit niya pa pero hindi ako kumibo at hindi siya nilingon

Ganon ba ka big deal sa kanya yun?

"Grabe na ito, minsan napapaisip ako kung tao ka ba talaga? Sobrang dalang mo kasing magsalita tapos sobrang tipid pag nagsalita ka na paano mo nakakaya yun?" Daldal talaga napapaisip din ako kung normal pa ba siya? kasi sobrang daldal niya yung tipong lahat yata ng nasa isip niya sinasabi niya

Hindi ba napapagod bibig niya?

"Hindi lang ako interesadong kausap ka" Sagot ko. 

Ayoko rin na mapalapit pa sa kahit sino

"Grabe talaga sige hindi na kita kakausapin" Banta niya pero halatang nagpapa-awa lang siya 

Bakit ba kasi gusto niya laging kausap ako e wala nga akong pake

At ayokong magsalita

Hindi naman ako madaldal

Sa kanya lang

Sana kung nasan man yung taong yun ayos lang siya at makita ko na sana siya uli

"Minsan nalang hehe" Alam ko naman na hindi talaga siya magpapaawat sa pagiging madaldal

Nung matapos ang trabaho ko diretso ako agad sa Velestial Academy second day palang kaya wala akong balak na ma-late

Tatawid na sa ako papasok sa gate nang mayroong humintong kotse sa harap ko kaya napaatras pa ako ng kaunti at laking gulat ko kung sino yung lumabas sa kotseng yun

Bakas din ako gulat sa mukha niya ng makita ako sa harap niya, pero napatingin ako sa guard na lumapit sa kanya pero hindi tulad ko hindi nawala yung tingin niya sakin

"Sir sa usual spot po?" Tanong nung guard, natatandaan kong guard ito dito sa Velestial Academy dahil nakita ko siya kahapon nung pumasok ako

Tumango lang si Chase at may parang susing binigay sa guard nasigurado kong susi yung dahil ang sunod na ginawa nung guard ay minameho yung kotse paalis

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(Sky Series #2) Fall Inlove With The Sky (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon