01

45 3 0
                                    

Ate! Bilisan mo daw! Sabi ni Nanay!" sigaw ni Kio sa akin.

"Oo sige saglit, naghihilod na!" tugon ko at mas binilisan ko pa ang aking paghihilod, nagmamadali na kami dahil mag sisimba pa kami, birthday ni Kio. 20th Birthday.

Natapos na din ako at lumabas na, dumeretso na ako sa kwarto ko para mag bihis.

"Tagal mo naman!" reklamo ni Kio bago pumasok sa banyo. Napailing nalang ako at nagbihis na agad para makapag ayos at hindi na ulit madaliin.

"Nak! Anong oras ang uwi mo mamaya?" tanong ni Nanay sa akin.

"Depende po nay pag may nahanap ako agad, uuwi na din agad ako" sagot ko habang palabas ng kwarto, nakapulupot pa ang tuwalya sa aking buhok.

"Basta wag na wag mong kakalimutan ang cake ng kapatid mo" bulong ni nanay sa akin nang makalapit ako sa kaniya

"Oo naman nay!" masigla kong sagot

Naglalakad na papunta sa kwartro si Nanay para kuhain ang bag niya.

Nakalabas na din si Kio sa kaniyang kwarto. Suot niya ang regalo ko sa kaniya. Kahapon ko lang binigay ang sapatos kahit naka-isang linggo na nakatago sa aking kwarto.

"Ate! Salamat ah" saad nito at yumakap mula sa likod ko

"Wala 'yun basta wag mo lang pabyaan ang pag aaral mo" humarap ako sa kaniya para makita ko ang gwapo niyang muka "Lahat ibibigay ko sa inyo ni Nanay" saad ko at ngumiti

"Ate magdadrama ka na naman!" reklamo nito at umiwas ng tingin, tumungo ulit sa malaikng salamin kung saan kita ang buong katawan niya.

Napakunot noo nalang ako at napailing, hindi mo talaga magagawang magdarama kay Kio, sobrang masayahin, hindi mo mahahalatang may problemang dinadala.

Naglalakad na kami papuntang simbahan, isang deretso at isang paliko lang sa kanan ay nandoon agad sa simbahan.

"Happy Birthday Kio!" sigaw ni Aling Rina mula sa kaniyang tindahan

"Salamat Aling Rina" saad nito at kumaway habang nakangiti

"Happy Birthday Tol! Inuman na!" sigaw ni Ronnie kaibigan ni Kio

"Tara na!" sigaw naman ni Kio. Agad naman itong nabatukan ni nanay

"Aray!" Agad nitong wika at hinawakan ang ulo

"Kakaiinom mo lang kagabi!" saad ni nanay na may gigil.

Pinipilit kong itago ang tawa ko dahil panigurado madadamay ako.

"Nay si Ate tumatawa" saad nito at agad kong kinurot sa tagiliran. Hindi naman ito pinansin ni nanay dahil may tumawag dito, si Aling Alma. Tumigil kami saglit sa paglalakad dahil kinausap pa ni Aling Alma si Nanay.

Nang matapos silang mag usap ay muli kaming naglakad paalis.

Nakarating na kami sa simbahan at naghanap na ng pwesto. Ilang minuto lang kaming nag intay at agad na din nag simula.

Hindi ako inaantok sa tuwing mag sisimba kami, ngunit itong oras na ito hindi ko maintindihan dahil kanina pa ako hikab ng hikab!

Napalingon ako kay Kio, antok na antok ang loko. Sigurado akong nag ML na naman ito ng magdamag.

"Aray ate!" reklamo ni Kio. Ramdam ko kasi ang pag bagsak ng kaniyang ulo dahil sa antok.

"Wag ka kasing matulog nag sisimba eh!" saway ko naman dito at umayos ng upo. Nakakahawa ka!

Beautiful In WhiteWhere stories live. Discover now