Aiya's POV
Napakabilis ng aking takbo habang hawak hawak ang laylayan ng aking palda at nagmamadaling makapunta sa tarangkahan ng palasyo.
Ina pakiusap hintayin mo ako...sambit ko habang pinipigilan ang pagpatak ng aking mga luha.
Habang tumatakbo,tanaw ko na ang aking Ina. Habang papalapit,bumibigat ang aking loob. Nahihirapan akong makita si Ina sa ganitong kalagayan.
Simulan na!!! Sigaw ng pinuno ng mga sundalo. Kasabay nito ay ang pag tunog ng malaking tambol tanda ng hudyat. Lalong sumikip ang aking loob.
Ahhhhhhh!!! Nadapa ako dahil sa labis na pagmamadali. Nakita ko ang galos sa aking siko at binti. Ngunit pinilit kong bumangon. Kahit makita ko man lang si Ina bago siya bawian ng buhay.
Kayong mga mamamayan ng Ciao!! Nakikita niyo ba ang ginang na ito. Turo niya kay Ina. Kung ayaw niyong matulad sa kaniya,huwag kayong mangangahas na pagsamantalahan ang buhay ng prinsipe. Nawa'y magsilbing aral sa inyo ang sasapitin ng ginang na ito. Sambit ng pinuno ng mga sundalo.
Napakaraming tao upang panoorin ang pagbitay sa aking Ina. Padaanin niyo ako. Ina!! Sigaw ko habang walang habas na itinutulak ang mga tao sa daraanan ko.
Sandali!!!!!!
Pagmamakaawa ko. Pakiusap huwang niyong ituloy walang kasalanan ang aking Ina pagsusumamo ko habang nakaluhod. Pakiusap sambit ko muli habang patuloy ang pagpatak ng aking mga luha. Nakikiusap ako!!!
Mas lalong nadurog ang puso ko ng makita ko si Ina habang hirap na hirap makita ang kalagayan ko.
Tumango ang aking Ina kasabay nito,ay ang kaniyang pagngiti saakin.Bilang pagpapagaan ng aking loob.Sige na anak bulong niya. Pumikit na siya at handang handa ng tanggapin ang parusang hindi nararapat sa kaniya.
Ina ngunit...
Paghudyat ko sambit ng pinuno ng mga sundalo sa kawal nito.
ISA,Pakawalan niyo si Ina.DALAWA,Pakiusap!!! Sambit ko,TATLO!!!! Ngayon na!!!!
INA!!!!!!
Nagulat ako ng may taong humarang sa aking harapan.Dahil sa kaniya hindi ko nasaksihan ang pagbitay nila kay Ina.
Dibdib niya lang ang aking nakikita dahil sa matangkad siya.Kilala ko kung sino ito. Niyakap niya ako at mabilis na pinatalikod. Upang hindi masaksihan ang kalunos lunos na sinapit ng aking Ina.
Aiya tama na.... bulong niya
Hindi ko na kayang pigilin ang luha na kanina ko pa pinipigil.Yinakap ko siya ng mahigpit at humagulgol.
Nigel...
Aiya...Tama na.
Unti unting nanlalambot ang aking mga tuhod hanggang sa magdilim ang aking mga paningin.....
Nagising ako sa takot at lunglot na aking nararamdaman. Panaginip lang pala....
Malayo ang tingin sa kawalan..
Kapwa sila nagsisilbi sa mundo ng Ciao. Nagtatrabaho sila sa isang kilalang law firm. Kapwa sila abogado.
16 pa ako ng sila'y pumanaw.Halos magkasunod lang ang kanilang pagkamatay.
Dati masaya kami.. napupuno ng tawanan at ingay ang aming tahanan...
Ngunit....
namatay sila Ama't Ina dahil sa engkanto sa palasyo. Kwento ni Ina,ipinadala sila roon ng para alamin kung mayroon ngang engkanto na nagtatago sa loob ng palasyo. Nagulat si Ama at Ina ng malaman nilang ang prinsipe ang engkanto. Ng malaman ito ng Hari, ipinapatay niya kami. Dahil doon, kailangan naming magtago.
Ang magandang imahe ng aking mga magulang ay nadungisan.Sinusunod lang nila ang mga kautusang naibigay sa kanila. Maraming buhay ang kanilang nailigtas ngunit sa kabila nito,
Ginawa silang mga kriminal.
Nagtago kami sa isang malayong pook. Hanggang dumating ang sandaling kinatatakutan namin.
Sa isang tahimik at payapang araw, natunton kami ng mga kawal ng palasyo. Hindi maipinta ang takot at kabang aking naramdaman.
Yaluer tumakas na kayo ni Aiya. Sigaw ng aking Ama. Ngunit Aizo, sambit ni ina habang humahagulgol.
Ama halika na tumakas na tayo. Pagsusumamo ko. Anak kailangan kong maiwan upang makatakas kayo ng iyong Ina. Takbo na!!! Sigaw ni Ama. Mabigat man sa loob namin ni Ina, kailangan naming iwan si siya.
Ama... iyak ako ng iyak habang inaalala kung anong ginawa nila sa kaniya. Sa layo ng tinakbo namin,narating namin ang isang abandonadong mansion.
Ina bando r'on. Umakyat ako sa matarik na hagdan nito. Pinilit kong maitulak ang napakalaking pintuan ng mansion. Ina sumunod ka sakin.
Pagtingin ko sa likuran ko,hindi ko na siya makita.
Ina? Nagmasid masid ako sa paligid. Nang mapagtanto kong naiwan siya. Kaya dali dali akong lumabas ng mansion at bumalik para hanapin at iligtas siya.
Ina!!!! Nasaan ka na? Sambit ko habang hindi mapigil ang mga luha sa pagpatak nila.
Nabigla ako ng makita ko ang mga sumusunod saamin.
Bando roon!! Turo saakin ng isang kawal. Napakarami nila. May dala silang ibat ibang uri ng mga patalim at baril. Dali dali silang lumapit sa kinaroroonan ko
Agad akong pumasok sa loob. Saan ako maaaring magtago? Siguradong mahahanap nila ako pag nagtago ako sa mga silid dito. Wala rin akong makitang gamit na pwedeng pagtaguan.
Hanggang sa nakapasok na nga sila sa loob. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko o kung saan ako pupunta.
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at tinanggap na ang maaaring mangyari saakin.
Papalapit na sila ng papalapit hawak ang kanilang mga sandata. Habang dahan dahan naman akong umaatras.
Nabigla ako ng sa pag atras ko, mayroon akong naapakan na kung ano. Biglang natibag ang aking kinatatayuan at nahulog sa walang katapusang kadiliman.
AAAAHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!
YOU ARE READING
Never Say Goodbye
Mystery / ThrillerAiya is a lawyer. (Naughty lawyer). Who use to solve cases and mysteries.Until a man came who covers something about who he is.Will she accept him?Or choose to stay away?
