"Seryoso ako, Salacia! Baka hindi lang natin nakikita. Dapat kang mag-ingat!"

I chuckled at her and I put down the mug. "Siya dapat ang mag-ingat sa akin." I laughed. Maya-maya ay nanlaki ang mata ko at napatakip ako sa bibig. Diana Rose suddenly looks worried.

"B-bakit? May na-realize ka na? May napansin ka sa mga kilos niya?"

Malalim akong napalunok habang nanlalaki ang mata. "Paano kung... Paano kung..."

Napahawak sa akin si Diana Rose, mukhang kabado sa sasabihin ko. "Ano?"

"Paano kung jutay siya?" I asked with a sad face.

Halos manlaki ang butas ng ilong ng kaibigan ko sa inis sa akin. Humagalpak ako ng tawa at sinalag ang mga hampas niya.

"Seryoso kasi!"

"Negative side naman 'yon na hindi pa natin nakikita!" natatawa kong saad.

Pinandilatan niya ako ng mata. "Salacia, ha!" tila napipikon niyang saway. "Puro ka talaga kalokohan."

I giggled. "Pero joke lang 'yon. Nakita ko na ang bulge niya. Malaki, girl," malandi kong sinabi at humagikhik.

Inirapan niya. "Psh, bastos. Pero mag-ingat ka pa rin talaga. Paano kung..." Inilapit niya ang mukha sa akin. "Paano kung murderer siya?" bulong niya.

Natapik ko ang bibig niya. "Tama na 'yan, Diana Rose. Huwag mo husgahan ang Poypoy ko!" utas ko.

Napalabi siya at napakamot. "Oo na, sorry. Kaso nahihiwagaan talaga ako sa kaniya. Masyadong perfect. Paano kung may pamilya pala siya sa Maynila? May anak na, gano'n? He can't be perfect, Salacia!"

Sa inis ko ay kinurot ko na siya. "Gusto mo pa ako mag-overthink din, eh! Imbes walang problema!"

She pouted and acted like she is zipping her mouth. Nayayamot akong uminom ng kape sa mug ko. Ngayon tuloy ay napapaisip na ako. May point din naman si Diana Rose. Lahat ng tao may downside.

Tignan mo siya, judgemental. Ako naman, medyo loka-loka. So, what's the catch about him?

Come to think of it, wala pa talaga akong alam sa kaniya masyado. Alam ko lang na siya si Poseidon Atlas Thomas na daks at gwapo with his dark blue eyes. Mayaman pero 'di ko pa alam kung ano ang pamilyang pinagmulan niya. Ni hindi ko alam kung ano ang eksakto niyang edad.

Nanlaki ang mata ko sa reyalisasyon. Tapos nakatira pa ako sa ilalim ng support niya. Wow, napakabilis kong magtiwala sa kaniya! Dahil ba may gusto ako sa kaniya?

At ngayon pinaghihinalaan ko na siya after all the things he did for me?

Kahit pa nakikipaglaro ako sa mga kapatid ni Diana Rose ay may gumugulo sa isip ko. Pahamak talaga 'tong kaibigan ko! Pero halos nakalimutan ko rin iyon nang dahil sa mga pagkain.

Pagbaba ko sa tricycle ay kailangan ko pa maglakad nang ilang hakbang pauwi sa bahay ko. Ipagpapatuloy ko na sana ang pag-iisip ngunit nakaramdam ako ng kakaiba. I felt the feeling of being watched. Bumagal ang hakbang ko at lumingon sa aking likuran. I saw bunch of people doing normal things.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Humigpit ang hawak ko sa strap ng aking sling bag nang maramdaman na may sumusunod sa akin. Nilakihan ko ang hakbang ko palapit sa bahay. Pagpasok ko ay agad kong isinara ang gate. I tried to take a peek in between the grills but I just saw normal people passing by.

Paranoid lang ba ako? Pero bakit biglaan naman akong makararamdam ng ganito?

I don't want to be scared but I don't want to let my guard down. May sinasabi ang gut feeling ko at walang mawawala kung papakinggan ko ito. Kailangan ko maging alerto at maingat.

Lord Series #2: DrownedNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ