"Does it hurt?"

Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ang tanong niya. Was he talking earlier? May hindi ba ako narinig?

"Hmm? Ano 'yon?"

He glanced at my hands.

"You have small cuts," he whispered. "Masakit?"

My cheeks instantly heated up. Iniiwas ko ang tingin sa kanya at pinanood na lang ang nalalampasan naming lampposts. Pinaglaruan ko ang mga daliri ko dahil sa hindi maitagong kilig. Ramdan na ramdam ko ang nag-uumapaw na saya sa puso ko. All because of that one question!

I shook my head. Rouge and his effect on me.

"H-Hindi naman," I replied softly. Binasa ko ang pang-ibabang labi dahil bahagya pa akong nautal.

Narinig ko ang paghinga niya nang malalim. "Bakit pa kasi nagluto? May cook naman kami sa bahay. Kaya nga inimbitahan do'n kumain para hindi na siya ang magluto," pagpaparinig niya. "Napakakulit... tapos magpapaawa na may sugat. Akala mo naman may pakialam ako," dagdag niya pa.

I glanced at him, a smile cracking out on my lips. He was talking out loud.

"What?" pagsusungit niya.

Tuluyan akong napangisi. "I can hear you."

He cleared his throat and rolled his eyes at me. Lalong lumawak ang ngisi ko dahil sa ginawa niya. He focused on driving. His brows were furrowed, and his jaw was tightly clenched.

We reached the club in no time, pero parang ayaw kong bumaba sa sasakyan dahil naaaliw ako kay Rouge. He glared at me, dahilan para bumaba ako. I waited for him to park his car.

Nagulat ako nang hindi siya magreklamo sa pagtabi ko sa kanya sa paglalakad namin papasok sa club. People started greeting him while throwing weird glances at me.

"Debs!" nakakairitang sigaw ni Nime nang makita ako. It wasn't long after her jaw dropped as she noticed who was beside me.

Bumaling ako kay Rouge, at pinigilan ko ang pag-awang ng mga labi nang makita siyang nakamasid din sa akin.

"Goodluck on your performance," I said as I beamed. "Sa table lang ako nina Nime. Sana pagkatapos ng gig n'yo ay pumunta ka ro'n."

Kumunot ang noo niya. "Bakit naman ako pupunta ro'n? Hindi naman ako interesado kung sino ang mga makakasama mo."

My excitement immediately died down. I pouted and rolled my eyes at him. Inirapan niya rin ako kaya maarte ko siyang tinalikuran. Attitude!

I marched over to Nime's table, frustrated. Bakit ba kasi kailangan niya laging sirain ang pangangarap ko? Ang ganda-ganda ng gabi ko tapos susupladuhan niya lang ako!

Huminga ako nang malalim at ikinalma ang sarili. I then looked around the table and noticed a few models sitting there. Miski sina Zane at Rhome ay naroon pero nang makitang pumasok na si Rouge sa backstage ay tumayo na rin ang dalawa.

"Totoo bang nag-dinner kayo?" Nime asked, amused. "Kayo na ba ulit?"

Umiling ako. "Sa kanila ako galing pero hindi siya ang kasabay kong nag-dinner. Inihatid niya lang ako rito."

Tumango ang babae at hinila na ako paupo. She then poured me a drink, and of course, I gulped it down without hesitation. Napasimangot lang ako nang makitang naglalakad palapit sa mesa namin si Hunter.

"Oh, nandito ka na pala, miss," nangingiting sabi niya bago umupo sa harap ko.

Inirapan ko siya. "Hindi ba halata?"

Napahalakhak agad si Nime. "Magka-developan ha."

"Na-develop na ako," Hunter told me as he grinned.

I gave him a disgusted look, which earned a hearty laugh from him. Hindi ko na siya pinansin at uminom na lang. I busied myself with talking to Nime. Ipinakilala niya rin ako sa iba niya pang kabarkada ngunit nagtagal ang tingin ko sa isang lalaki dahil alam kong matitipuhan iyon ni Cali.

Loving the Sky (College Series #3)Where stories live. Discover now