"What?" natatangang tanong ko. Where was he coming from? "Hindi kami close! He just ate lunch with me for no apparent reason."

"Okay, I was just asking. Wala naman akong pakialam."

Sumimangot ako at pasimpleng inirapan siya. We went silent for a few minutes, listening to each other's heavy breathing. Hindi ko alam kung ano pang ginagawa niya rito gayong sigurado akong late na siya sa gig niya.

"Tara na, ihahatid na kita," aniya na parang nag-uutos.

I stared at him, and he just looked back at me. Hindi ko siya maintindihan! Minsan, pakiramdam ko ay gusto niya ako, pero lagi niya namang sinasabing hindi! Lagi niyang itinatanggi! I said I'd let my heart rest, but here I was again, silently hoping that he was still in love with me!

My phone rang, dahilan kung bakit naputol ang tinginan namin.

He gazed at his car, but he didn't move his body.

Kinuha ko ang phone ko at nakitang si Nime ang tumatawag. Naalala ko bigla ang pagyayaya niya sa Rampage kanina.

"Girl!" matinis ang boses na sigaw niya. "Nasaan ka? Na-move ang oras ng gig ng Narcissus dahil kay Harvin! Bilisan mo para umabot ka!"

I bit my lower lip. Sa lakas ng pagkakasabi niya noon ay sigurado akong narinig iyon ni Rouge.

"At hinahanap ka ni Hunter! Bwisit ka! Akala ko ba ay si Harvin ang gusto mo? Ngayon ko lang nalaman na naglalandian kayo! Impakta!"

Nag-init ang buong mukha ko nang humarap sa akin si Rouge. Mabilis akong tumalikod sa kanya para bahagyang lumayo.

"Pupunta ako!" pigil ang pagsigaw ko. "At hindi kami naglalandian ni Hunter! Stop spreading fake news."

Narinig ko ang banayad na paghalakhak niya. "Guwapo rin naman. Hindi mo bet?"

Nagsalubong ang kilay ko. May kilala akong mas guwapo riyan, ano!

"Tigilan mo 'ko! Babye na! Antayin mo nalang ako d'yan!"

Nang maibaba ang tawag ay mainit na mainit pa rin ang mukha ko sa hiya. And I didn't even know why! Para namang malaking bagay ang narinig ni Rouge tungkol sa amin ni Hunter! I shouldn't overthink this!

Huminga ako nang malalim bago muling hinarap ang lalaki na ngayon ay malalim na ang kunot sa noo. Walang imik niyang itinuro ang kotse niya. I gulped down the lump in my throat as I pursed my lips.

"Sa Rampage ako pupunta," sabi ko.

"Akala ko ba hindi kayo close?" He chuckled sarcastically, mocking me. "Are you his fling? Kaya ba pupunta ka sa club? Kasi nandoon siya?"

My lips parted at his trail of questions. Magkasalubong ang mga kilay niya, at kahit may nanunuyang ngisi sa labi ay tumahip pa rin ang puso ko sa labis na pagkasabik sa kanya. I knew this. I knew him. Saulo ko ang mga ganito niya. Ayoko lang talagang umasa na nagseselos siya.

Sasagot na sana ako nang tumukhim siya.

"'Wag mo nang sagutin. Hindi naman ako interesado," mariing sabi niya. "Sumakay ka na. Mahirap ang taxi rito."

Pinaglaruan ko ang mga daliri at nangingiting binalingan ng tingin ang sasakyan. I walked toward it as painfully slowly as possible before sliding myself onto the passenger's seat.

Hindi rin naman nagtagal ang pagsunod niya sa akin. He started driving, and I tried my best to suppress my smile. Ipina-move niya ang oras ng gig para... ihatid ako? That thought warmed my heart. Alam kong hindi ko dapat iniisip ang mga bagay na ito pero hindi ko lang talaga maiwasan. He was here... with me. Wala kay Solene. Wala sa kabanda niya. Nasa akin.

Loving the Sky (College Series #3)Where stories live. Discover now