Gusto kong makita nilang hindi ako apektado sa kanila. 'Yung dapat na maging dating sakanila ay hindi sila nagtagumpay na paglaruan ako.

"And so, Why do you care?" matalas na usal ni Atlas kaya nginisian lang siya ni Derin.

"Why so bitter, huh?" napakagat nalang ako saakin labi dahil lumalaki ang atensyon sa pagitan namin.
Gusto kong maging matapangan sa pero hindi ko magawang mailabas ang pagiging palaban ko sa mga oras na 'to.

Napagdesisyunan ko nalang na h'wag nang gumawa pa ng eksena baka sa huli ako pa lalo ang mukhang kawawa at nalampaso.

"Derin, stop.." maotoridad na wika naman ni Roks. Sumulyap ako ng mabilis sakaniya at naabutan ko lang ang mga kulay abo niyang mata na malalam ang titig sa fiance nito.

May kung anong tumusok sa dibdib ko dahil 'yang mga mata
niyang 'yan, ako lang ang tinititigan ng gan'yan noon na para bang ako ang pinakamagandang babae sa mundo pero ngayon iba na.

Speed ang g-gong 'to, literal na pambansang sadboi siya ng Pinas. Kunwari pavictim at umaaktong nasasaktan nung una pero may reserba naman pala ang animal.

"Aren't you miss us? Wanna have dinner with us?" miss sila? Mag kakilala ba talaga ang dalawang 'to? Kung magsalita rin kasi 'tong si Derin parang close na close sila ni Atlas. Eh, sa pagkakaalam ko naman magkaaway lang si Roks at Atlas, tiyak naman akong kampi si Derin kay Roks-- pero posible kayang kaklase rin nila 'tong si Derin noon? O baka naman sarcastic lang ang pagkasabi niya?

"Nah, don't bother us if you don't want to be drag by the guards," matigas na turan ni Atlas.

Gusto ko makisawsaw sa usapan saka salubungin ang titig ni Roks pero
hindi ako mapagsalita at hindi ko magawa para akong napiping tuod habang nakikinig at tumititig sa lapag dahil mas iniintindi ko ang nanggagatal kong mga tuhod ngayon.

"Wow, you talked as if this store is yours. Oh Calton, as far as I know this store is owned by the Argonia.."

Natigilan ako dahil nakuha ni Derin ang atensyon ko. Kung kaibigan siya ni Atlas bakit 'di niya alam na itong lalaking kaharap niya mismo ang kinikilalang anak ng mga Argonia.

Kung kaibigan siya bakit hindi sinabi sakaniya ni Atlas ang sikretong 'to kasi nabanggit din naman saakin nito noon na walang nakakakilala sakaniya bilang anak ng bise presidente. Mukhang ako palang ata kaya ang ibig sabihin lang nito hindi talaga sila magkaibigan.

Napasulyap nalang ako kay Atlas na umiigting ang panga at mas lalong nagbabaga ang mga tingin. Iniiwasan ko kasi talaga na magtama ang tingin namin ni Roks kahit gustong gusto ko siya tignan.

"Oh, wait unless you're his----." hindi na natuloy ni Derin ang sasabihin niya dahil hinila nalang ako ni Atlas palayo sakanila ng bahagya.

"Ok kalang?" nag aalangan kong bulong sakaniya parang saamin kasing dalawa mas apektado siya, e. May kung anong aura siya na hindi ko maipaliwanag parang 'yung puno ng galit.

Sumulyap ako ng mabilis kina Derin. Hindi naman kami malayo sakanila dahil pareho kaming nandito pa rin sa store pero hindi na nila kami sinundan pa at nakipagusap nalang sila doon sa sales person. Agad akong naipaiwas ng tingin nang mapansin kong lilingunin ako ni Roks.

"Yes, but I know you're not," seryosong sambit niya kaya napalunok ako saka nagiwas naman ng tingin kay Atlas.

"Ok lang ako, sige na gawin mo na ang dapat gawin mo rito para makaalis na tayo," mariing saad ko saka nginitian siya.

KISS ME, CAPTAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon