Chapter 6

1K 59 19
                                    

Chapter 6

Adi's POV
     
      

"Fuck! Adrianne! Wake up please!" Nagising ang diwa ko dahil sa narinig kong ingay at mahihinang pag yugyog sa'kin para siguro gisingin ako.

"Thank god" Sabi pa nitong lalakeng nakamask ng makitang dumilat na ako.

Bumungad sa'kin ang mata niya na sobrang pamilyar sa'kin. Tanging mata niya lang ang nakikita ko ngunit bakit parang pakiramdam ko ay kilalang kilala ko siya at gustong gusto ko siyang mayakap.

"W-where's Marco?" Biglang tanong ko ng mapagtanto ang mga nangyari.

"Just don't mind him, get up at ihahatid pa kita sa party na pupuntahan mo" Parang bigla ay naging seryoso ulit siya. Tumayo na siya agad at tinalikuran ako saka naglakad palapit sa motor niya.

Hindi parin ako gumagalaw mula sa kinuupuan ko habang pinagmamasdan siyang nag aayos ng motor niya.

"Magpapaiwan ka nalang ba jan?" Kahit di ko makita ang itsura niya ay halata sa boses niya na naiirita na siya.

Kahit hirap ay pinilit kong tumayo at inayos ang sarili ko. Napaka ungentleman naman kasi niya at hindi man lang ako tinulungang tumayo, tch!

Habang naglalakad ako palapit sa kanya ay saka ko lang napansin na wala na pala akong suot na sapatos at ang sakit ng paa ko kaya medyo hirap akong maglakad hanggang sa muntikan na naman akong matumba.

"Be careful next time" hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya at nasalo na niya ako.

Bakit ba parang musika ang mga boses niya sa pandinig ko? Parang matagal ko ng gustong gustong marinig ulit ang mga boses na to, pero bakit?

Di ko na namalayan na umiiyak na pala ako sa di ko malaman na dahilan. Parang bigla ay bumabalik nalang ang mga alaala ng nakaraan sa'kin pati mga sakit na dinulot nito. Tangina bat ngayon oras pa? Bakit sa araw na ito pa? Hinihintay na ako nina kuya.

"Hey, Don't cry" aniya para patahanin ako ngunit maging ako ay di ko mapigilan ang mga luha na kusa nalang sa pagbagsak na may parang sariling isip.

Umayos na ako ng tayo at pinahiran ang mga luha ko na tuloy tuloy parin sa pagbagsak. Para na akong baliw dito, umiiyak ng walang dahilan.

"Please don't cry" malumanay at mababa ang boses na sabi niya.

"S-sorry, I- I just can't help it. Nagkusa nalang at di ko alam kung bakit" sabi ko habang pinapahiran ang mga luha na tuloy tuloy parin sa pagbagsak. Ayaw parin nitong humupa at tuloy tuloy parin hanggang sa naririnig ko na ang mga hikbi ko.

Hanggang sa naramdaman ko nalang na niyayakap na niya ako na mas nagpahagulgol sa'kin.

Ano bang nangyayari sa'kin? Para akong bata na nawawala at nangungulila.

"I'm sorry" mababa ang boses na bulong niya sa'kin at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa'kin.

"I'm sorry B---" hindi ko na narinig ang kasunod ng sinabi niya dahil sa malakas na busina ng kotse at malalakas na ilaw nito galing sa likuran niya.

"Kailangan ko ng umalis" bumitaw na siya sa pagkakayakap sa'kin at agad na sumakay sa motor niya at bago niya sinuot ulit ang helmet niya at nilingon pa niya ako "Please don't tell anyone that I'm Leo" makahulugang sabi niya bago pinaharurot ang bigbike niya.

Mabilis ang pangyayari at hindi ko namalayan na nasa harap ko na sina kuya Jax.

"Adrianne" narinig kong sigaw ni kuya levi na papatakbo palapit sa'kin at saka niyakap agad ako.

Scarlet TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon