Chapter 9

894 59 50
                                    

Chapter 9
     
      
     
Adi
 
   

Sobrang sakit ng ulo ko at hirap akong idilat ang mata ko, Nasaan ba ako? Ano'ng nangyari sa'kin?

"Mabuti naman at gising ka na" boses ng isang lalake ang unang narinig ko, bagaman nakapikit pa ako'y kilalang kilala ko na kung kaninong boses iyon

"Are you still not fine?" Naramdaman kong naglakad s'ya palapit sa'kin, kaya iminulat ko na ang aking mga mata

"I'm fine, thanks" agad akong bumangon ngunit biglang sumakit ang ulo ko kaya napapikit ulit ako, Fuck!

"Hey, easy, just take a rest, Selene" agad nya akong inalalayan ngunit itinabig ko ang kamay n'ya

"Don't call me by that name" Seryosong sabi ko bago ako tumayo at naglakad palabas "Anyways, Thanks for helping me" Dagdag ko pa bago ako tuluyang lumabas ng silid na iyon.

Hindi ko alam kung saang lupalop na ako pero alam kong nasa florencia parin ako kaya makakauwi parin ako.

Isang maliit na apartment na nasa medyo liblib na lugar ito, kaya hirap akong humanap ng taxi dito, at hating gabi na rin kaya halos wala ng dumaan na sasakyan. Hindi ko na alam anong poproblemahin ko, yung cellphone ko ba na nadekwat ng mga walang hiya o yung galit ng mga kuya ko, ang sabi ko kasi ay pauwi na ako, ngunit eto ako at na home run pa kingina, ginawang baseball ulo ko, ang sakit nun ah.
  
"Madalang ang mga sasakyan dito kaya halika na at ihahatid na kita" napalingon ako sa boses na nanggaling sa likuran ko, dala dala ang susi ng motor nya ay lumapit s'ya don at inistart ito, ngunit ilang minuto na n'yang sinubukang iistart ito ay bigo s'ya.

"What the hell is wrong with you?" Sigaw n'ya at sinipa ang motor nya na mukhang napalakas ata dahil napangiwi s'ya at napahawak sa paa n'ya.

Napailing nalang ako habang pinapanood s'ya.

"Selene, Pasensya na at nagloko 'tong motor ko, mukhang hindi kita mahahatid" Pasigaw na aniya habang tumakbo palapit sa'kin.

"I can wait for the cab" sagot ko nalang at saka lumingon na ulit sa daan.

Naramdaman ko namang tumabi s'ya sa'kin at bumuntong hininga

"I don't think you'll succeed on waiting for one, hating gabi na at wala ng dumadaan na taxi dito dahil wala namang pasahero"

Hindi ko s'ya nilingon at niyakap nalang ang sarili ko dahil umihip ang malamig na hangin.

"Uhmm I-If it's okay....If you w-want, y-you can stay in m-my place and wait for tomorrow"

Sa oras na ito ay nilingon ko na s'ya at kinunutan ng noo, ngumiti s'ya na parang nahihiya bago napakamot sa ulo nya at yumuko.

"Y-yeah, you'll wait, s-samahan nalang kita" Tumayo s'ya ng matuwid at saka humarap na rin sa daan, ngunit hindi ko pa rin inaalis ang paningin ko sa kanya, Sometimes he acts like dj, pero madalas ay hindi, marahil tama ako at hindi nga s'ya si dj, malayong malayo ang galaw n'ya sa galaw ni dj.

"W-why? I-is there something wrong with my face?" Takang tanong n'ya ng mapansing nakatitig lang ako sa kanya.

"Nothing" sagot ko nalang bago naglakad na pabalik sa apartment n'ya. Nahihilo parin ako at mukhang wala rin talagang mapapadaan na taxi kaya dito nalang ako magpapalipas ng gabi, mukhang mapagkakatiwalaan din naman s'ya dahil iniligtas n'ya ako sa mga magnanakaw na 'yon.

"H-hey! Payag ka ng bukas na umuwi?" Tumakbo s'ya para habulin ako at saka huminto ng nasabayan na ako sa paglalakad

"Do I have a choice?"

Scarlet TearsWhere stories live. Discover now