Kabanata 1

8 1 0
                                    

KABANATA 1
"Ate, gising na!" bulyaw sa 'kin ng kapatid kong lalaki. Inaantok man ay tumayo na ako at tumungo sa aming munting banyo upang maligo.

Pagkatapos gawin ang aking morning rituals, nagmamadali akong magbihis. Bago  bumaba ay kinuha ko muna ang aking maleta at pinagmasdan ng mabuti ang aking maliit na kwarto. Kapag nasa Maynila na ako, siguradong mami-miss ko 'to.

Dali-dali akong bumaba sa aming sala at nakita si Ina at Hassir.

"Farha, anak, aalis na tayo. Baka mahuli pa tayo sa byahe natin." paalala ni Nanay. "O, wala ka na bang nakalimutan?"

"Wala na po." nakangiti kong sagot.

Assalamualaikum, ako nga pala si Aaitifa Farha Mohammad. College student na ako, nursing nga pala ang kinukuha kong kurso.

Luluwas kami ng Maynila. Nakatanggap kase ako ng scholarship sa isang sikat na unibersidad.

~~~

Nandito kami ngayon sa terminal ng bus. Hinihintay kase namen ang kaibigan ko. Mag-aaral din kase siya sa St. Ives.

Nang makarating sa bukana ng terminal ay hinanap kame ng aking kaibigan. Ng makita kami ay dali-dali s'yang lumapit dala ang kanyang mga bagahe.

"Assalamualaikum, Kareem." sambit ni mama kay Kareem, ang childhood bestfriend ko.

"Shukraan lijalbina Kareem." Ngiti kong sambit sa kanya.

"Biduniha 'ant!" Yumakap muna ako sa kanya ng mahigpit, bago umakyat sa bus na paluwas  sa Manila.

Naunang pumasok si Hassir kasabay ni Mama. Pinauna naman ako ni Kareem. Nagsisiksikan na sa loob. Tatabi sana ako kay Kareem dahil tabi sila Mama at Hassir kaya lang wala ng ibang upuan kaya napagdesisyunan kong umupo katabi ng isang 'di kilalang lalake.

Dahan dahan akong umupo at kinuha ang aking earphones sa bag, at 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa byahe namin.

"Anak gising na.."

"Miss gising na..."

"Hoy Ate! Gising na! Nakakahiya ka oh! Tumutulo pa laway mo, kadiri ka naman ate!" Bulyaw sa akin ng epal kong kapatid kaya napabangon ako bigla. Doon ko napagtanto na may isang lalaki na nakahawak sa braso ko.

"Don't touch me!" Bulyaw ko sa kanya, dahilan upang tanggalin niya ang pagkakahawak sa braso ko.

"I'm sorry miss, paano ako makakadaan kung hinaharangan mo ang daanan ko?" taas kilay n'yang sagot sa 'kin.

Bigla akong nakaramdam ng hiya, kaya tumayo na ako at naunang bumaba sa bus.

Sumakay kami ng taxi, papunta sa bahay nila tita. Gusto kasi ni tita na don na raw kami tumira kesa sa mag upa ng bahay, ayaw niya raw kasing tumanda na mag-isa.

"Assalamualaikum Amhad and Farha! tuloy kayo sa magiging bahay niyo." Wika ni Tita sa amin.

"Nag handa na ako ng meryenda para sa inyo, tsaka yung k'warto niyo handa na din. Baka pagod na kayo pwede na kayong mag pahinga sa k'warto niyo." nginitian ko nalang si tita at umakyat na ako sa hadgan.


"Farha anak, may bibilhin lang kami ng Tita mo ha ikaw muna bahala sa kapatid mo." tumango nalang ako at tuluyan ng pumasok sa  aking kwarto...

Pagpasok ko sa k'warto napamangha ako sa sobrang ganda nito, napakalinia at napakaganda. Humiga muna ako sa kama at binuksan ang aking laptop at ang facebook ko ng may biglang nag sent ng friend request sa akin, kaya stinalk ko muna at laking gulat ko ng makita ko yung profile picture nung lalaking nasa bus na katabi ko kanina...

Sa sobrang pagod ko, 'di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NOT MEANT TO BE (SLOW UPDATE)Where stories live. Discover now