Tip #5

18 3 0
                                    


PLOT TWIST

Pagplanuhan ang isang magandang plot twist. Ang plot twist ay ang pangyayari na mangyayari sa isang kwento na hindi inaasahan ng mga mambabasa.

Iba ang iiwang imahe at ideya sa mga mambabasa ngunit gugulatin sila sa huli na hindi ang inasahan nila ang kinalabasan.

Halimbawa:

"Natutulog ako't gumigising. Sa t'wing pagtingin ko sa'yo ika'y nahihimbing.

Nagawa ko na ang aking mga kailangan gawin sa araw na ito ngunit wala pa ring pagbabago.

Ganito palagi ang takbo ng aking linggo. Wala na ngang magbabago.

Dahil ika'y natutulog sa libingan mo."

Dapat mag-isip ka ng pangyayari na hindi sasagi sa isipan nila habang binabasa ang akda upang sila'y magimbal at mapukaw ang kanilang atensiyon.

###

A Shimmering You: A Guide for Teen Fiction WritersWhere stories live. Discover now