"May pinaabot siya sa pilipinong taga silbi niya." Nakangiting sabi niya saakin. Bigla akong napatingin sakaniya ng deretso. Kitang kita sa reaksyon ko, na natutuwa ako at gustong gusto nang malaman ang susunod na mangyari.

Kumalas bigla sa pag kaakbay saakin si Klara, kaya napatingin ako sakaniya na nag tataka. Tuwang tuwang inilabas niya mula sa bulsa ng kaniyang saya, ang isang bagay na hindi ako pamilyar. Mukha siyang malaking karayom, ngunit may mga palamuti sa dulo nito.

Tinignan ko siya na may pag tatanong saaking mukha.

"Noong una ay hindi ko din malaman kung ano ito. Ngunit, nalaman ko na isa pala itong importante at eleganteng bagay mula Tsina. Isa siyang palamuti sa buhok ng mga babaeng tsina." Halatang halata ang kilig sa mukha ni Klara. Namumula ang kaniyang mga pisngi na tila ba rosas.

Kita din namna ang pagka mangha sa buong mukha ko. May disensyong isang magandang ibon sa pang ipit na ito. At may pulang tila diyamante sa gitna ng pamalamuti sa dulo nito.


"Hindi ko pa din mawari kung ano nga ba ang pangalan ng binatang Tsino na iyon. Ngunit, tila daw nabighani siya saaking kagandahan, sabi ng taga silbi nito." Nakangiting pag ku-kuwento pa nito saakin.


Nagpakawala ng malalim na hininga si Klara, at inunahan ako sa pag lakad. Inunahan niya ako, para makapag lakad siya ng pabaliktad at makaharap ako.


Gusto ko mag sabihin na mag ingat siya, hindi ko naman masbai sakaniya iyon ng mabilisan. "Te-!" Tanging nasabi ko lang, dahilan ng bajagyang pag tulo ng dugo sa bibig ko.

Ganito ang nangyayari saakin, kapag pinilit kong mag salita. May tumutulong dugo sa bibig ko, at sumasakit ang tiyan ko.


"Wag kang mag alala!" Natatawang sabi niya saakin, at binigyan ako ng isang minis na panyo.

"Ngunit kung nabighani siya saakin, bakit ayaw niya akong kausapin. Nahihiya kaya ang binatang iyon?" Malungkot na pagkukuwento niya saakin.

Marahan na tumango tango ako, at pinakita ang kamao ko. Ibig sbaihin noon, ay pareho kami ng iniisip.

"Lira, Klara." Sabay kaming napalingon ni Klara, dahil sa pamilyar na boses na narinig namin.


Napangiti naman kami ng sabay, at masayang binati ang ginang na tumawag saaming dalawa. "Ina!" Nakangiting sabi ni Klara.

Nakangiting lumapit din naman ako kay Inang Sinang, at sumabay sa pag kayajap ni Klaea dakaniya.

"Masaya ata kayong nag kukuwentuhan." Nakangiting sabi niya saaming dalawa ni Klara. Napatingin pa rin kaming nag tataka ni Klara, dahil sa dala ng mukha ni Inang.

Nawala ang ngiti sa mukha nami ni Klara, dahil sa nag aalalang mukha ni Inang Sinang.


"Anong nangyari?" Nag aalalang tanongni Klara.

Nag aalalang pinunasan ko naman ang luhang, umaagos mula sa mata ni Inang Sinang.



"Nasaan si Kiko? Kailangan na nating umalis ngayon, paparating na ang mga guwardya Sibil, kasama ang Gobernador Silyo." Sa mga salitang binigkas niya, napaatras ako ng bahagya dahil sa kaba.

Nang marinig ko ang nga katagang iyon, isang tao ang agad na pumasok sa isipan ko.


Kaya ba umalis na kaagad si Angelito? Kaya ba sobrang saya niya kanina? Dahilan ba nag pag paalam niya iyon. Balita ko na, bihira lang ang mga umuuwinh buhay na lalake ngayon.



"Paanong nangyari iyon? Akala ko ba ay may sapat na abg kasunduan na inilahad ni Tatang noon?" Kinakabahang tanong ni Klara kay Inang Sinang, napatingin din naman ako kay Inang Sinang upang malaman ang sagot.

Cassandrila: When The Moon Will Be Beautiful Again? Where stories live. Discover now