9

4.3K 108 7
                                    

GABRIELA'S POV

Umuwi na rin ako pagkatapos kumain. Tsk, paano na 'to? May practice kami bukas ng 7-10. Hahabol na lang ako kung sakali. Saka for sure late rin 'yon. Hmm, pilipino time.

Agad na akong bumangon. Hays, nakakatamad nga naman umalis ng bahay. Mukhang uulan pati, summer na nga eh. Ano ba 'yan, climate change talaga. Agad na akong bumaba para kumain, kain na naman? Parang hindi nga ako natunawan sa kain ko kahapon eh. Ano ba 'yan. Nalaki na ang tiyan ko, paano na ang beach body? Wala na. Umalis na at iniwan ka na. Nagayos muna ako ng sarili..

Bumaba na ako para sa breakfast.

"Oh, DJ. Kumain na ba kayo?" Nakita ko kasi na parang may inaantay siya. Andito siya sa may tabi ng hagdan. Ano ba 'yan mukha siyang display lang diyan.

"Ah opo." Nge, ang weird naman nila.

"Sino ang hinihintay mo? Si Manong Roy ba?" Nakabihis na rin siya. Ang aga naman nito. Jusko, 6 am pa lang nakabihis na ng uniform niya. So siya pa rin ang driver ko? Ganern?

"Kayo po. Ganito lang po talaga ako." Tumango-tango na lang ako. Sige, ipush mo lang 'yan.

Si Ate Lyn naman ay nakangiti. I mean lahat pala sila.

"Weird." Bulong ko at dumiretso na ako sa dining room.

Ang daming food! WOAAAH! Mga paborito ko! Blueberry Cheesecake at Mango Cheseecake. Tapos may fish fillet at may bacon at carbonara.

Tapos biglang may nagtakip sa mga mata ko. Kamay..ni. Mom?!

"Hi, anak." OMG! IS THIS SERIOUS?!

"M-moma? Am I dreaming?" Woah! Is this real?

"No, you're not baby. I am real." At niyakap ko siya dahil sa sobrang namiss ko talaga si mama. Alam na rin ni mama na pinatira ko sila Manong Roy dito at pumayag nga siya dahil tama lang naman daw 'yon para may makasama raw ako.

"Mama! Grabe! Buti umuwi na kayo." At least may kasama ako sa shopping ko or kapag swimming or magjumming.

"Yes, good news dahil buong bakasyon mo ay hindi ako aalis ng bansa." Woaah! Ang ganda naman ng summer ko! Ahahah!

Ay jusko! Sa kadaldalan ay nakalimutan ko na may practice pala kami.

"Mom! May practice kami para sa Farewell Party, mamaya na lang po, ha? Bye! I love you!" At kiniss ko siya. Tumakbo na ako kaya hindi ko alam kung nagreply ba siya sa sinabi ko. Nakita ko naman si DJ na nagaantay sa akin.

"Sa school tayo." At ayon pinaandar na niya ang kotse...

Nakita ko naman si Clark na nakakunot ang noo. Tss, I know! Late ako ng 10 minutes.

"Let's go." Binuksan niya ang pinto at hinigit ang wrist ko.

"DJ, antayin mo na lang ako rito mamaya." At nagwave ako.

"Who's that?" Edi syempre driver. Ano ka ba naman Clark. Alangan namang boyfriend ko noh? Langya, nasa back seat ako tapos ano 'yon hinayaan ko lang magmukhang driver 'yong bf ko tapos nakauniform ng pangdriver? Talaga 'to eh. Ano bang klaseng tanong 'yon, 'di ba? Baka kasi tatay ko talaga 'yong driver ko. Nakakahiya naman sa tatay kong nasa ibang bansa. Eh 'yong nanay ko naman babae eh hindi naman lalaki. Oo, umo-oa ka na, Ga--

"Hey, I'm asking you. Are you deaf?" Woah, kapal talaga nito kahit kailan. Sus, kelan pa naging hindi makapal ang mukha niyan. Akala mo talaga close na kami 'yong parang bestfriends na talaga. Eh hindi pa naman. Isa pa patapos na ang school year na 'to saka siya makikipagfriend? Ano 'yon? Tapos nakipagkaibigan pa sa mga NERDY NG SCHOOL. Sa'n ka pa? Jusko, talaga itong si Clark. Pero mukha naman talaga siyang mabait at mapagkakatiwala—este hindi muna. Mahirap n--

The Long Lost Royal Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon