2

13.2K 257 50
                                    

➘REVISED

***

GABRIELA'S POV

Kumakanta ako kaya nga nasa Talention High ako eh. Pero hindi sapat 'yon, syempre talented ka dapat. Kaya rin nila ako kinuha dahil pinasa ko ang scholarship dito at talagang nagaral ako para sa exam na 'yon.

Si mama kasi gusto raw dito dahil Alumni siya rito which means she can dance, act, knows how to play instruments and sing. Ako? Singing, acting, and playing guitar and piano lang. Sa pagaarte nga ay hindi pa ako gano'n kagaling dahil hindi ko naman talaga passion 'yan, pinagaral lang din talaga ni mama sa pagkanta pero ang paggitara at piano ay marunong na akong tumugtog no'ng ako ay bata pa kaya nakitaan din ako ni mama so ayon pinagaral din akong kumanta.

"Gabriela, kung ako sa 'yo kakausapin mo ako." Nilingon ko naman ang lalaking nasa tabi ko.

"Why would I do that?" Ani ko. Kung wala lang talaga akong singaw! Kanina pa ako dakdak ng dakdak dito.

"Because I am your partner~" At kailangan pa talagang kumanta?

Wala na akong gustong sabihin kasi talaga! 'Di bale, malapit ko na naman na itong ipatanggal hmm 5 months na lang tatanggalin na 'to.

"Hmm, I am King of Seductio--"

"So?" Pagtataray ko. ANG DALDAL PALA NG ISANG 'TO! Saka bakit niya ako kinakausap? Kung kailan patapos na ang school year? Gano'n? Kasi nandidiri siyang kausapin ako? GANO'N?

"I thought that I can seduce you? But not? Not going to happen, I think? Hmm, would that be? What do you think? Could I seduce a girl like you? Very 'mataray', very very 'suplada'." Ang daldal! Gagantihan ko talaga 'to kapag nawala na ang singaw ko!

Umiling-iling na lang ako at naglakad na ng mabilis. Saan ba ako pupunta?

Napunta na lang ako bigla sa harap ng music room..ano, kakanta ka? Tinitigan ko lang ito. Hindi ako masaya sa apat na taon dito sa Talention High, wala akong naging bestfriend, si Ash, nasa England dahil do'n siya pinagaral ng parents niya nang malaman nilang may boyfriend itong si Ash na si Renz. Pero LDR sila, 3 years na rin sila. 1st year kong naging kaklase rito at after no'n umalis na siya at ako naman...naiwan.

Tapos sila mama at papa nasa Tokyo dahil sa business nila na restaurant na si mama ang namamalagi at si papa ay ang isang malaking kumpanya.

Hindi ko namalayan pumasok ako rito, naaalala ko na kung paano ako tugtugan ni mama no'ng ako'y bata pa.

"Gab!" BAKIT BA LAGI NA LANG MAY HUMAHARANG?! LAGI NA LANG MAY PUMIPIGIL SA GUSTO KO?! INILALAYO AKO SA MASASAYANG BAGAY! Oa mo Gab. Si Elisson lang naman eh.

"Oh, Elisson?" Siya lang ang kaibigan ko pero hindi ko pa siya maituturing na close friend at bestfriend dahil hindi naman kami gano'ng naguusap at nagsasabihan ng secrets o problema.

"Okay ka lang ba? Nakita kasi kita kanina mag-isa kaya tinawag kita." Hindi ko nga pala siya kaklase dahil na sa 4B ang section niya.

"Ahh, okay lang ako. Bumalik ka na sa klase mo dahil baka mapagalitan ka ng teacher niyo. Sige, mauna na ako sa 'yo, salamat sa pagaalala." Sabi ko at nagiba na ako ng direksyon. Sabi nila dalawa lang daw talaga ang magbestfriend, hindi apat at hindi tatlo, kundi dalawa lang. Kaya si Ash lang talaga ang tinuring kong bestfriend.

Nakakatakot ng magtiwala...

*BELL RINGS*

Hudyat na uwian na. Bago kasi maguwian ay meron kaming homeroom. Bumalik ulit ako sa room para kuhanin ko ang bag ko pero..... BAKIT NAWAWALA?! Andon ang mga importanteng bagay sa akin.

The Long Lost Royal Princess Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon