Part XXXI | Oras Ng Pagsasama Para sa Isa't-Isa

Magsimula sa umpisa
                                    

Maicah: Rama.*nagbigay-pugay*

Ybrahim: Mashna, mauuuna na kami sa Sapiro. Sumunod na lamang kayo ng ibang mga kawal patungo roon.

Maicah: Masusunod, Rama.*walks away*

Amihan: Paano, halina kayo. *smiles*


Nanh sabihin iyon ni Amihan ay dali dali naman si Ybrahim na lumapit ng may malawak na ngiti sa kanyang mukha, halatang sabik na sabik makasamang muli sa kanyang kaharian ang kanyang minamahal na anak, apo, at higit sa lahat, ang reyna ng kanyang puso, ang kanyang  mahal reyna. Hinawakan ni Lira ang braso ng kanyang anak, habang si Amihan naman ang humawak sa kamay ng kanyang umiiwas na anak kaya napatingin sa kanya si Lira kaya naman ngitian nya ito ng malumanay, sinasabi sa anak na maging panatag sa pupuntahan nilang Sapiro, ang pangalawa nilang tahanan. Si Ybrahim naman ay pumalikod sa tatlo, hinawakan ng dalawang kamay ang beywang ni Amihan, at ipinatong ang kanyang baba sa  kanang bahagi ng leeg nito bago magsalita.

Ybrahim: Handa na ang Sapiro upang salubungin kayong muli mahal ko, kaya lumisan na tayo.*smiles*


Nilingon at nginitian naman ito ni Amihan bago sila tuluyang maglaho sa Bulwagan ng Lireo gamit ang Ivictus.


= SA HILAGANG HARDIN NG  LIREO =


Naglalakad-lakad roon si Aquil habang namomroblemang pinagmamasdan ang mga bulaklak, hindi alam ang klase na pipiliin nya at isa isa pa itong inaamoy kung anong mga bulaklak ang mas kaaya-aya ang amoy at mas humahalimuyak sa bango ng mapansin naman sya ni Muros habang naglilibot-libot at sinisigurado ang seguridad ng palasyo. Nilihim ni Muros ang tawa at dahan dahang nilapitan si Aquil habang nakayuko at inaamoy ang mga bulaklak.



Muros:*clears throat* Hafte Aquil.

Aquil:*napabalikwas at itinigil ang ginagawa at mabilis na humarap kay Muros* Mashna, Muros.*nagbigay-pugay*

Muros: Hindi ka pa ba lilisan dito upang tabihan na ang iyong kabiyak, Hafte? Tiyak akong naghihintay na ang Sang'gre Danaya at Diwani Aliyah sa iyo.*smiles*

Aquil:*scratches his head* Nais ko sanang handugan ng mababangong bulaklak si Danaya pag dating ko sa aming silid kaya ito, namimili ako ng mga bulaklak upang ibigay ko sa kanya.

Muros: Kung ganon, bakit ni isang bulaklak ay wala ka pang napipitas?

Aquil:*namomroblema* Hindi ko kasi batid kung alin sa mga ito ang magugustuhan ni Danaya, at alin ang mas magandang uri at mas mabango ng sa gayon ay masiyahan naman sya sa mga ito.

Muros:*small laugh**pats Aquil's left shoulder* Hafte, hindi mo kailangang mabahala. Sapagkat alam ko na kahit anong klaseng mga bulaklak pa ang ibigay mo kay Sang'gre Danaya ay kanyang magugustuhan dahil galing ito sa pinakamamahal nyang asawa. Hindi nya iyon magugustuhan sapagkat isa itong magandang uri ng bulaklak, bagkos maiibigan nya ito dahil ito'y isang handog na mayroong pagmamahal na nagmumula sa iyong puso. Kaya kahit ano pa ang piliin mo dyan ay tiyak akong tatanggapin at maiibigan nya, maniwala ka.*smiles*

Aquil:*smiles* Salamat sa iyong payo, Mashna. Nais ko lang naman pasayahin ang aking asawa ngayong gabi, dahil sa pagsapit ng umaga ay pagtutuunan na naman natin ng pansin ang mga masamang kaganapan dito sa Encantadia. Kaya kahit ngayon man lang ay makalimutan nya muna iyon.

Muros: Masaya ako sapagkat minamahal at inaalagaan mo ang Sang'gre, Hafte. Kaya sige na, mamitas ka na ng mga bulaklak at magmadali ng samahan ang iyong pamilya bago pa lalong lumalim ang gabi.

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon