PART II | Misteryosong Pangyayari

848 36 39
                                    


Nagulat silang dalawa sa kanilang nakita. Isang malamig na retreng nanigas sa isang halaman sa hindi malamang dahilan.


Lira: Mira, anong nangyari sa retre na ito? Bakit umi elsa ang peg nya? Alam mo yun parang nilagay sa freezer? *tinititigan ang nagyeyelong retre*
Mira: Hindi ko alam bessy. Pero hindi naman sya magkakaganyan kung walang gumalaw sa kanya eh, kakaibang pangyayari ito at ngayon ko lang naranasang nagyelo ang isang halaman. Mukhang masama ang kutob ko dito Lira. Hindi ito magandang senyales. 


Lira: Kung ganon, bumalik tayo sa Lireo at antayin ang mga Ashti natin. Importanteng masabi natin ito sa kanila.
Mira: Tama ka Lira. Tara na. *aalis na sana*
Lira: Teka lang bessy. Kailangan natin ng evidence. Kunin ko lang yung retre na naging parang pang design sa cake.*pilit na hinihila sa bulaklak pero ayaw matanggal* Bessy, ayaw nyang matanggal chaka ang lamig nya sakit sa kamay. 


Mira: Putulin mo kaya yung bulaklak bessy, isama mo yung bulaklak, putulin mo yung pinakamanipis na bahagi nito.
Lira: Tama yung stem.*hinanap yung stem ng bulaklak at pinutol ito* Got it! Tara na bessy.

Naghawak kamay muli sila at sabay na bumalik sa Lireo.


*************************


= SA DEVAS =


Si Emre ay abala sa pag tingin sa kanyang mga lalang sa Encantadia at pinapanood ang mga masasayang Encantado na nagtutulungan doon. Si Wahid ay kasama si Vish'ka sa dakong hilaga malapit sa batis ng Devas at nagkukwentuhan. Si Deshna, Arianna at muyak naman ay masayang nagtatawanan kasama nila Khalil at Alira Naswen, tungkol sa mga nakakatawang bagay na nangyari sa kanila noong sila ay nabubuhay pa.


 At si Amihan naman ay palaging nakaupo malapit sa puno ng buhay at araw araw na pinagmamasdan ang kanyang mag-ama, lalong lalo na si Lira, ang kanyang anak. Tahimik lang syang nanunuod doon at kapag kinakausap sya ni Lira sa pamamagitan ng kanyang rebulto ay kanya naman itong sinasagot.



Lira: *nasa mahiwagang salamin ng Devas kausap ang rebulto ng kanyang ina* Pero inay, namimiss na kita. Miss na kitang yakapin kasama ni itay. Nung last kasi kitang nayakap is nung party pa after ng digmaan, nung pinayagan kayo ni Bathalang Emre na bumaba sa Lireo at makiparty sa amin. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na yun, naalala mo ba nay? 


Amihan: *teary eyed* Nangungulila narin ako sa iyo anak. *smiles* At oo, tandang-tanda ko pa ang araw na iyon dahil nakita nyo muli ako ng iyong ama na bumalik sa pagiging ivtre maging ang wangis ko'y bumalik kaya ako'y inyong nakilala.


*FLASHBACK SA LIREO MATAPOS ANG DIGMAAN ILANG DEKADA NA ANG NAKALIPAS*


Habang nagkakasiyahan sa Lireo dahil sa matagumpay na laban nila laban kay Hagorn at sa mga kakampi nito, pinayagan ni Bathalang Emre na bumaba ang mga ivtre sa Encantadia sa tulong narin ni Bathalumang Cassiopea upang makisaya rin sa mga encantadong nabubuhay pa. Kabilang roon ang mga lumaban na ivtre noong digmaan kasama na ang mga bagong encantadong napaslang kagaya nina Deshna, Wahid, Gilas, Muyak, at Arianna. Masaya silang nagsamasama ng mga sandaling iyon. Noong makita nina Ybrahim at Lira ang ivtre ni Arianna, agad nila itong niyakap at inakalang si Amihan parin iyon.



Ybrahim: Mahal kong reyna. *niyakap nya si Arianna*
Lira: Inay, ikaw ba yan?*hinawakan ang pisngi ni Arianna*Hindi na po ba babalik ang dati nyong wangis kahit ivtre napo kayo ulit? 

ENCANTADIA Season 2 - The Winter WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon