“Yalaine, hija si Manang Doolor, ito, pinapasabi ni Sir Marc kung maaari daw ay bumaba kana. Magsisimula na kasi” sabi nito.

“Ah-eh, Manang wala po kasi akong dalang damit sa ganyan. Kaya baka po hindi ako makababa” sabi ko naman, Totoo naman na wala akong dala na party dresses at evening gowns. Dahil alam ko, bibili ako ng rancho at hindi ako mag aatend ng party.

“Wag kang mag-alala, may damit ka sa closet. Kunin mo nalang hija.” Wika nito.

Yun naman agad ang ginawa ko. Nagtungo agad ako sa closet. At yun nga Isang puting evening gown ang nakita ko. At isang pares ng black stiletto. Nice choice!

“Sa party”

Ilang sandali pa ay nakalabas na ako ng aking silid. “Sh*t, ang daming tao”. At totoo naman. Nakita ko si Manang Emi at Manang Dolor na abalang-abala sa paghahanda ng pagkain. Ilan di sa mga trabahador sa rancho ay tumutulong na din sa pagsisilbi sa mga bisita. Bumaba ako sa hagdanan. Im not that kind of person na mahilig sa ganitong kasiyahan, It’s better for me to stay at the office and do my paper works rather than attending parties. Nakita ko naman si Marc na nakikipag-usap, sa tingin ko ay mga business partners niya ito at marahil ilan ding investors. Nag-iwas ako ng tingin ng magtagpo an gaming mga mata. Hindi ko pa rin makalimutan ang kabaliwan na ginawa niya sa akin kanina.Bwisit talaga siya.

“Mr. Fuentebella, When will we see your future wife then” tanong ng isa sa mga business partner nito.

“Oo nga naman, Balita naming ay ngayon mo siya ipapakilala” sang-ayon naman ng isa sa mga ito.

“Don’t worry, a few minutes from now ay makikilala ninyo na din siya” wika naman ng binata. Gusto ko sanang lumingon sa kinaroroon niya. Kaso nagpipigil lang ako. Ayoko ko naman mapahiya at akalain niya na nakikinig ako sa kanilang usapan. Nakita ko naman si Natalie na pumasok kasama ang isang hindi gaanong katanda. Malamang iyan si Governor. Kaya naman kilala siya ay dahil sa impluwensya ng kanyang ama. Si Marcus naman ay agad dinaluhan sila. Nakita kupa kung paano makakapit sa braso ni Marc ang impaktang Natalie. Nagseselos ka lang? Huh! Selos, paano naman napunta ang selos sa usapan. Baliw.

Nagtungo sina Marc at Natalie sa upuan na sa palagay ko ay nilaan para talaga sa kanila. Masaya pa silang nag kukwentuhan. Wala man lumalapit sa akin, Bagamat karamihan sa mga bisita ay napapatingin sa gawi ko. Tinatanong siguro nila kung sino ang magandang nilalang. Nagtawa ako sa isipan na iyon, Halos hindi nga ako nakapaghanda. Simpleng make-up lang at nilugay ko nalang ang mahaba kong buhok.

Boring!

Iyan ang isa sa masasabi ko. Halos mga nag-uusap na businessmen at iilang political figure ang nandito. Kadalasan boses ni Natalie ang naririnig ko. Wagas kung makatawa. Naalibadbaran na rin ako sa boses niya. Napagdesisyunan ko na din lumabas lalo akong naiirita sa tawa niya.

Kinagulat ko ang nadatnan ko. May kasiyahan din kasing nagaganap sa labas at karamihan ay trabahador ng rancho. Nakita ko din si Mang Kulas na nakikipagsayawan sa saliw ng gitara kasama nito ang iilan sa mga anak ng katiwala ng rancho. Natawa pa ako nang kumembot kembot ito. Dinig na dinig ko din ang halakhak ng mga bata.

“Mang Kulas”

“Oh, Yalaine, anong ginagawa mo dito.?”

“Naku! Ayoko na po sa loob.” At naupo ako sa isang upuan. Isang bata ang lumapit sa akin at humawak sa suot kong damit.

“Ikaw si Martina, diba?” tumango naman ito. Isang bulaklaking blusa ang suot niya na hanggang tuhod. Hawak-hawak pa rin niya ang manika na binigay ni Marc dito.

“Ang ganda naman po ng suot niyo?” wika niya habang hawak-hawak ang suotg kong damit.

“Nagustuhan mo?” yumuko ako para magpantay ang mukha namin “Pero mas maganda ang suot mo” Napangiti ako nang yumuko ito na tila nahihiya. Ang *cute*

Lumapit si Mang kulas at dinala ako sa mga nagsasaywan. Nakipagsayawan na din ako sa kanila. Karamihan sa mga trabahador ay tuwang-tuwa ganoon din ang mga bata.

“Mang Kulas, bigay todo po kayo, baka naman sumpungin kayo ng rayuma ninyo”

“Aba, Yalaine. Kung hind mo naitatanong eh ako ata ang pambato ng barangay naming noong kabataan naming ni Dolor. Kaya imposibleng mag karayuma ako” sabi nito at sabay giling pa.

“Ha Ha Ha Ha!! Kaya naman po pala nabaliw sa inyo si Manang Dolor”

“sinabi mo pa, aba siya pa ang nanligaw sa akin.”

Napatingin ako kay Manang Dolor na nagtungo sa kinaroroonan namin.

“Hoy kulas, ikaw ang nanligaw, at namikot sa akin” Nakita ko naman na nilapitan niya ang asawa at kumembot pa sa harapan nito

“Naku, ikaw naman mahal, hindi kana nabiro,” sabay halik sa pisngi nito na naging dahilan ng hiyawan ng lahat.

“Magtungo daw ang lahat sa loob, may sasabihing mahalaga si Sir Marc” sabi ng isang katiwala at dali-dali ding umalis.

Nasa likurang bahagi ako kayat hindi kuna din marinig ang sinasabi sa loob. Nakita ko na lamang na nagsasalita na ito. Hindi kuna din marinig kaya’t hindi kuna pinagkaabalahan pang magtungo sa harapan. Mas mabuti na sa likuran dahil wala naman magandang sasabihin yang bwisit na lalakeng iyan. Ilang sandal pa ay nakatapat na sa kinaroroonan ko ang mga ilaw. At lahat ay nakatingin sa dereksyon kung saan ako natayo.

“Everyone! I want you to meet my bride, my future wife, and soon to be Mrs. Fuentebella. Ms. Yalaine Montehano”

Nagpalakpakan ang lahat. Parang mali ata yun nadinig ko. Auditory Hallucination lang yun diba, umamin naman kayo. Baka naman may sakit si Marc at nagdedeliryo kaya nasabi niya ang bagay na iyon. Nakita kong umalis ito sa kinatatayuan at papalapit sa akin. Mas kinabahan ako ng kumapit ang kamay nito sa aking bewang at hinapit ito papalapit sa kanya. Isang iglap naglapat ang aming mga labi. Narinig ko nalang ang palakpakan ng lahat

O_O hindi ako makakurap sa. I can hear this stupid hearbbeat. Faster! Shit!

Nilapit nito ang bibig niya sa tenga ko, and I feel his warm breath. “This is what I want. And I want you” sabi nito at dinampian ang halik ang aking tenga.

Oh my! Im dead!!

+++++++++++++++++++

A/N: I just want to know if may nagbabasa pa ba?. Pasensya na kayo if hindi nakakakilig. Im not used to it eh. And thank you na din sa mga nagbabasa kung meron man. Maraming salamat. And for those na nabasa yung dating version nito. I just want to know, if ano ba yung mas maganda yung dati o yung ngayon? Im curious <3

The Bride's Man series: All of meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon