Napawi ang kaniyang ngiti na agad ding nawala sa paningin ko nang tinalikuran ko na siya.

"S-salacia, teka lang!" I heard him called me while I am walking away from him.

Itinaas ko lang ang kamay ko at ikinaway iyon. I don't really like to involve myself in another trouble. Gusto ko ng tahimik na buhay. Ayaw ko rin na magmukhang mahilig sa gulo sa paningin ni Poseidon. Gusto ko na makita niya sa akin ay nag-aaral ako nang mabuti at sulit lahat ng gastos niya sa akin. Ayoko siyang biguin. And I want to improve myself, too.

When Saturday came, I decided to visit Diana Rose. Bumili ako ng pasalubong na pagkain para sa mga kapatid niya mula sa ipon ko na hindi ko na nagagamit dahil si Poseidon ang gumagastos ng lahat para sa akin. Akala mo ay galing ako sa abroad pagbalik ko roon. Ang daming bumati at nangumusta, miss na miss na yata ako.

"Salamat po, Ate Diyosa!" tuwang-tuwa na pasasalamat ng kapatid ng kaibigan ko. "Ganda-ganda mo talaga!"

Napangisi ako. "Ay, gusto ko 'yan. Dahil nagsasabi ka ng totoo, ito..." Bumunot ako ng pera mula sa bulsa ko. "Bili kayo softdrinks, oh!"

I giggled when the kids shouted in delight. Napailing si Diana Rose at tumabi sa akin 'tsaka ako inakbayan. Nasa labas kami ng bahay nila dahil may mga upuan dito na gawa sa kahoy, para may tambayan.

"Kahit no'ng para ka pang pulubi sa kahirapan ini-spoil mo na mga kapatid ko,"
aniya.

I tapped her thigh. "Lalo na kapag yumaman na ako. Kapag nakahanap na ako ng matinong trabaho, sa unang sahod ko, ipanglilibre ko rin sa kanila."

She nudged at me playfully. "Pwede ka na yumaman kahit hindi nagta-trabaho. Remember Poseidon! Jackpot!"

Inirapan ko siya bago ko ipinagkrus ang braso ko. "Girl, manahimik ka nga! Gusto ko mag-improve as a human. Ayokong totally umasa sa kaniya. Kung magiging mayaman ako, hindi dahil sa yaman ng mapapangasawa ko," maarte kong sinabi.

Humalakhak siya. "Okay, chill. Mapapangasawa talaga, ha? Teka..." Bigla niya ako kinurot sa tagiliran. "Ikaw ha!" Nag-aakusa ang mga titig niya.

"Aray ko naman!" reklamo ko at hinampas siya.

Pinandilatan niya ako ng mata. "Baka naman mag-jowa na kayo tapos hindi mo lang sinasabi sa akin!"

Napairap ako muli. "Huwag ka mag-alala, wala akong itatago sayo. Kahit about sa first sex namin, inform kita."

"Ay, bet!"

Natigil ako sa pagtawa nang maramdaman ko na nag-vibrate ang phone ko sa money bag na nasa aking bewang. Agad ko 'yon na kinuha at nakita na may mga message pala sa akin si Poseidon.

"Good morning."

"Eat your breakfast."

"Are you still asleep?"

"Where is my good morning?"

"It is very unusual of you to wake up late."

"Salacia?"

My eyes widened after reading all of his messages. Ito pala 'yong nagsabi na hindi siya mahilig mag-text at dapat daw ay one message per day lang kami. Napangisi ako lalo na nang mag-flash sa screen ko ang pangalan niya.

Poypoy ko is calling!

I cleared my throat before answering. "Hi!" I energetically greeted him. "Good morning, Poypoy ko!"

Idinikit ni Diana Rose ang tenga niya sa likod ng phone, nakikinig sa usapan.

"Salacia, why aren't you answering my texts?" He asked in a serious tone.

Lord Series #2: DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon