05

43 10 15
                                    

Umabot kami ng isang oras sa paghahanap. Nagtanung-tanong din kami kung may kilala silang F.N.M pero wala. Mawawalan na sana ako ng pag-asa ng......

"Wait mga fafa. May kilala akong kanina pa naghahanap ng notebook eh. Classmate ko sya. Hindi ko lang alam kung nandito pa yun kanina pa kase tapos ang klase namin," sa ng baklang naka kapit sa braso ni James.

"Ewwsss... wag ka ngang kumapit sakin. Sabihin mo na lang ang name nya at kami na ang maghahanap. Bumitaw ka lang sakin," nandidiring taboy nya dito.

"Ang sungit mo naman fafa James. Sige na nga I will tell you na lang. Hhmmp," nagflip pa ito nag buhay pero wala naman. Gay and their kaartehan.

"Faith Nicole Mendez ang name nya. 3rd year Bussiness Ad. Oh? Okay na ba?" mataray nitong tanong.

"Taray di naman maganda, baklang 'to. Salamat ahh," James sarcastically said before turning his back.

Faith Nicole Mendez pala huh. Hhhmmm... F.N.M

"Bukas na lang nating hanapin tutal alam na natin name nya. Pagod nako baka may nakasalubong na naman tayong bakla sa paligid. Kinikilabutan ako," nandidiring sabi ni James.

"Mukha ka daw kaseng bakla eh. Hahaha," pag-aasar ni Nate.

"Diwow bro. Diwow."

Aso't pusa talaga. Tsk! Tsk!

Kinabukasan,

Nandito kami ngayon sa harap ng room nina Faith.

"Good morning everyone. Nandito ba si Ms. Faith Nicole Mendez?" pagtatanong ni James mula sa may pinto.

Sya na lang kase ang pinagbalik ko ng notebook. At kami ni Nate ay nandito lang sa gilid.

"Nicole may naghahanap sayo. Ayyyyy si Jameson pala ng S.B. kyahhhh... swerte mo naman girl."

Rinig kong sigaw ng babaeng pinagtanungan ni James.

"A-anong k-kailangan mo?" nauutal na tanong ni Faith. Napangiti ako. Kinakabahan sya. Paano pa kaya kung ako na ang nasa harap nya?

"Gusto ko lamang sanang isauli sayo ito. Naiwan mo kahapon sa room. Nakuha ng kaibigan ko nahihiya yatang pumarito kaya ako na lang pinagsauli."

"Ahhh- S-salamat."

"Sige. Una na ako. Bye!" paalam ni James. At ang loko nagawa pang kumindat. Napatulala naman si Faith dahil sa ginawa nya.

Pagkalapit ni James sinapak ko agad sya.

"Arraayyy naman bro. Inaanu ba kita jan? Ako na nga nag-uli eh," pagmamaktol neto habang hinihimas ang sanapak ko.

"Siraulo ka. Sinabi ko bang ngumiti ka at kumindat huh?" singhal ko sa kanya.

"Langya ka bro. Sinapak mo ako dahil lang dun? Anong gusto mo sungitan ko? Gentleman ako bro. Gentleman. Psh! Seloso."

Sinamaan ko sya ng tingin.

"In love ka nga talaga bro. Hindi ikaw yan eh. Wala ka pang babaeng ipinagdamot. Ngayon pa lang," seryosong sabi ni Nate sakin.

"Marami na namang girls ang iiyak sa Saturday. Mababawasan na naman daw ng single na gwapo. Huh! Hindi nila alam nag iisa lang naman akong single na gwapo pa. Hahaha."

Napailing naman kami ni Nate.

Faith Nicole's P.O.V

"Goshhhh! Besh anong sinabi sayo ni Jameson? Bakit ka daw hinahanap?" excited na tanong ni Miya pagkabalik ko.

"Sinauli lang yung notebook ko. Sila pala makakita," nginitian ko sya saka tiningnan yun hawak ko.

Ohhh myyy goossshhh!! Hindi ko man nakita si Axell masaya pa rin ako. Panigurado nakita nya din 'to. At alam kong nalaman nya din kung sino ako. Kyyaahhh! Nakakakilig naman.

"Buti na lang sila ang nakakuha at naibalik sayo. Ay teka ano yang nakaipit?"

"Ha?"

Tiningnan ko naman yung tinuro nya at may nakaipit nga. Bakit di ko 'to agad nakita? Tiningnan ko iyon.

"Oh my gosh! Sht! Besh yung.... yung... yung blue notebook koooooo....."

Sa sobrang gulat ko nakaramdam pa din ako ng kaba. Paano napunta ito dito?



UNEXPECTED LETTER OF A FANGIRL [FANGIRLS SERIES #1]- CompletedWhere stories live. Discover now