"Hoy Kaye!" Biglang tumabi sa 'kin si Harue at sumandal pa sa balikat ko na animo'y aso na naglalambing sa amo niya. 

"Trip mo?" Kinurot ko siya sa tagiliran kaya napalayo siya tuloy sa 'kin. 

"Aray naman. Salbahe mo talaga. Sumbong kita sa bebe mo eh." Tinignan ko siya nang masama. Wala nga ako no'n...

"Pero teka, sino pala sa kanilang dalawa?" Hindi ko na napigilang suntukin siya sa sobrang inis. Arrggggh. Kung hindi lang talaga ako pinilit ni Angela na sumama rito ay hindi ko talaga gagawin. I can accept jokes pero iba kase ang dating no'ng sinabi niya sa 'kin. 

Hindi ko na muli siyang binalingan ng tingan at bumalik naman siya sa dati niyang kinauupan. Sinundot naman ako ng katabi ko.

"Grabe ka ghurl. Ang savage mo," bulong niya sa 'kin.

I'm not being savage. I just want to atleast teach him a lesson and I did that to defend myself. Hindi ko rin naman pinagsisihan 'yon but I know what I did is not good. Hindi ko nalang siya sinagot at nakinig nalang ng music hanggang sa makarating kami sa bahay nila Somerc. Si Marvin na ang bumaba para tawagin sila at makaraan ang ilang minuto ay unang lumabas si Somerc na naka white polo shirt at beach shorts. He's also wearing an aviator at gano'n din si Aurcel na nasa likod niya pero laking gulat ko nang may kasama siyang babae.

I guess it's Nichole dahil sa ikli ng buhok nito. She's also wearing shades and a purple crop top at short. The car is huge kaya magkakasya naman kaming lahat dito. Kung alam ko lang sana na may sasamang halimaw ay dinala ko nalang sana 'yong sarili kong kotse. How I wish the ride will went well.

Naunang pumasok sa loob si Somerc at nagsalubong naman agad ang tingin namin. Ako ang unang umiwas pero naramdaman ko nalang na tumabi siya sa kanan ko. Naamoy ko agad ang pabango nito. Compared to Aurcel's perfume, mas matapang ang amoy nito kaya napatakip ako ng ilong.

"Hoy hindi ako mabaho ah. Ang arte mo talaga." Hindi ko siya pinansin. Bahala siya diyan. Pilit akong nag-iwas ng tingin nang papasok sina Aurcel pero para bang may magnet ito dahil hindi ko pa rin nagawang pigilan. Nakasabit na ngayon ang shades niya sa kanyang polo kaya kitang-kita ko ang mga mata niyang walang emosyon.

Not like before na kapag sandali ko lang matititigan ang mga mata niya ay puno iyon ng saya but now? I don't even know if I'm still the reason of his happiness. Sumikip bigla ang dibdib ko nang umiwas siya ng tingin at kinausap si Nichole.

"Close your eyes," bulong ng katabi kong lalake. Hindi siya nakatingin sa 'kin pero alam kong ako ang kinakausap niya. Ginawa ko ang sinabi niya at pinagpatuloy ang pag s-sound trip. Pero talagang nananadya ang tadhana.

"That should be me, holding your hand

That should be me, making you laugh

That should be me, this is so sad

That should be me

That should be me"

I muttered a curse. Narinig siguro no'n ng asungot sa tabi ko kaya bigla niyang kinuha ang isang earpod ko. Pinaningkitan ko ito ng mata.

"Broken ka ghurl?" I rolled my eyes at him at hinayaan nalang sa kanya 'yon. Mabuti na rin 'to para hindi lang rin ako ang broken dahil ex niya rin naman si Nichole. I suddenly remember no'ng nagkuwento sa 'kin ang mommy niya tungkol sa panloloko ng ex niya.

Is it okay to her na bumalik na ito at pumupunta na rin sa bahay nila? I wonder how she reacts especially Somerc. Ang lakas din kase ng loob nitong bumalik pa sa kabila ng lahat ng ginawa niya. And Aurcel have the guts to be with her. Is he numb? O gumaganti lang ito sa kapatid niya dahil akala niya'y may namamagitan nga sa amin.

Nakaidlip ako sa biyahe at paggsing ko'y nakasandal na pala ako sa balikat ng katabi ko.

"Finally, you're awake." Napablikwas agad ako nang marinig ang kanyang boses. Saka ko lang napagtanto na si Aurcel pala 'to. How did it happened?!

"W-what are you d-doing here?" utal kong tanong. Napatingin din ako sa loob ng sasakyan at kaming dalawa nalang ang natira.

"Where asleep earlier kaya iniwan nila tayo. Aalis na sana ako pagkagising pero nakita kitang nakasubsob na sa bintana kaya tumabi muna ako sa'yo dahil hindi naman magandang tignan kung mag-isa ka lang maiiwan." 

So, He's still concerned to me huh.

"T-tara na. Baka hinihintay na nila tayo." Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako.

"Please stay."

Napatingin ako sa kanyang mata. Kung kanina ay wala itong kahit anong emosyon, ngayon naman ay parang nangungusap itong pagbigyan siya. And I did.

Naupo kaming dalawa at walang nagtangkang magsalita. Hanggang sa hinila niya ako at mahigpit na niyakap. My eyes widened on what he did. 

Why are you doing this?

You're making this so hard for me.

Tama na please.

"I missed you so much."

And that's the moment when my tears fell down...

His HeatherWhere stories live. Discover now