Chapter 4

403 15 4
                                    

"Hoy sis! Ba't tulala ka?" She snapped her fingers on me kaya nagising bigla ang diwa ko.

Nandito kami ngayon sa rooftop ng building namin para makapagrelax dahil katatapos lang ng klase namin. 

"Sigurado ka bang para sa akin 'yong lunch kanina?" Hanggang ngayon kase ay  nagtataka ako kung bakit ako pag-aaksayahan ng oras ni asungot para paghandaan ng pagkain.

Huminga siya muna siya ng malalim bago ako sagutin. "Ang manhid mo talaga Miss Kaye Lao."

Ako manhid? Dzuh 

Impossible namang may gusto sa akin 'yon eh kakakilala pa lang namin at puro away lang kaming dalawa.

"Siguro may kailangan lang sa akin 'yon." 

Isinawalang bahala ko nalang ang tungkol doon at inayos na ang gamit ko. Dito na rin kase kami gumawa ng project at nagreview para sa exam bukas.

"Sama ka sa amin ha?" Kanina pa kase niya ako pinipilit sa sumama sa kanilang magkakapatid papunta sa mall. Ngunit ayaw kong pumayag dahil ayaw kong makita si asungot.

Kaso nandun naman si Aurcel. Haissst

"Kiss mo muna ako," I pouted but she just rolled her eyes. 

Nagpapalambing lang eh.

Dumiretso na kami sa parking lot at sakto namang nandoon na ang magkambal habang may pinagtatalunan.

"Hoy mga panget! Ginagawa niyo?" Napatingin naman silang dalawa sa amin. Sasalubungin ko palang sana ang tingin ni Aurcel kaso naagaw ni asungot ang atensyon ko.

Kakaiba kase ito tumingin sa 'kin at isama mo pang at attractive niya ngayon.

Did I just compliment him?

Yuck.

"Eto kaseng si Mec, pinagpipilitan na siya nalang daw ang kumanta sa darating na music fest," sagot ni Aurcel habang nakasimangot.

Umirap naman ang asungot.

"Seriously? HAHAHAHAHAHA" Hindi ko napigilang sumabat sa kanila pagkatapos kong marinig na kakanta si Somerc. Like what the hell? Si asungot kakanta?!

"Mamatay ka sana kakatawa." Hindi ko pa rin kayang pigilan ang pagtawa kaya siniko ako ni Angela.

Npalunok ako.

"Sorry naman po. Hindi ko lang lubos maisip na kakanta ka."

"Are you belittling me?" Hindi ko magawang kumurap dahil sa pagkaseryoso ng pananalita niya. Parang iba ang kausap ko ngayon. Unti-unti rin siyang lumapit sa 'kin at yumuko para magpantay kami.

Ang tangkad niya kase. Mga 5'11 siguro at ako naman ay 5'5 kaya nagmukha akong duwende.

Shuta. Ang bango niya.

His addictive smell sent shivers down my spine. Hindi tuloy ako makahinga nang maayos nang lumapit siya sa tenga ko at bumulong.

Naconscious naman tuloy ako sa amoy ko.

Chos. Mas mabango pa kaya ako kesa sa kanya.

"I'll show you the side of me that will make you kneel."

...

Dahil sadyang marupok ako ay hindi na ako nakatiis na sumama sa kanila at ayaw ko namang tumanggi sa libre.

Grasya na 'to mga sis.

"Saan mo gustong kumain?" baling sa akin ni Aurcel.

Isa pa 'to eh. Pinapalakas pa niya tibok ng puso ko.

His HeatherWhere stories live. Discover now