Itinatak ko sa aking isipan ang sinabi ni Mama na makakaya ko. Susubukan ko, kahit mahirap gawin. Ito ang unang heartbreak ko, at hindi ko inaasahan na napakasakit pala.

Hindi na rin ako sumagot sa sinabi ni Mama dahil umiyak lang ako. Hinahaplos-haplos naman niya ako upang tumahan ako sa pag-iyak. Hindi ako iniwan ni Mama sa loob ng kuwarto ko hanggang sa makatulog ako.



Kinabukasan ay kahit ayoko pang pumasok ay pinilit ko ang sarili ko, dahil na rin sa nalalapit na exam. Sabay na kami nina Mama pumasok sa kani-kanilang papasukan.

Pagdating sa University ay mabilis ang tibok ng puso ko. Naninikip ang dibdib ko ngunit tinatagan ko. Ayokong magmukhang kawawa sa harapan niya kapag nagkita kaming dalawa.

Hindi ko pinansin ang iilang mga studyanteng napapatingin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isipan nila, kung bakit sila nakatingin sa akin ng kakaiba. Diret-diretso lang ang lakad ko, nakatungong naglalakad patungo sa aming classroom.

"You're finally here!" Natigilan ako.

Inangat ko ang tingin ko at bumungad ang nakangiting si Mina sa akin. Mabilis niya akong nilapitan at niyakap kaya hindi agad ako nakagalaw. Nanatili ako nakatayo sa hallway dito sa aming building, nakatingin sa taong nasa likod ni Mina.

Bakit siya nandito?

Nanlaki ang mga mata ko nang may sumalubong sa kaniya. Niyakap siya nito at sabay na silang naglakad papalayo.

"Auhmmm..." Umayos ng tayo si Mina. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tumingin sa aking mga mata. "Why?"

Mabilis akong umiwas ng tingin. "Wala. T-Tara na sa loob," sabi ko. Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita pa dahil agad ko na siyang nilampasan at naglakad papasok sa aming classroom.

Kakabalik ko lang at gano'n na agad  siya kabilis na palitan ako. Mabuti pa siya, mabilis na makalimot. Dahil siguro malamang ay hindi naman lahat totoo iyong mga pinaramdam niya. Katulad din siya ng ibang mga lalaking pagkatapos kang tikman ay ipagpapalit ka na sa ibang putahe.

"K-Kanina ka pa tahimik diyan. Ano bang mayroon?" tanong ni Mina.

Malungkot akong tumingin sa kaniya. Nagulat siya sa ekspresiyon sa aking mukha. Dahil alam kong maging siya ay hindi ako nakikita na ganito ang kalagayan.

Sa ikli ng panahong naging magkaibigan kami, alam kong kilala na niya ako. Isa siya sa naging instrumento upang magkakilala kaming dalawa ni Hugo. Iniisip ko na lang na wala siyang kinalamaan sa lahat ng nangyari sa aming dalawa ni Hugo.

"Wala. Iniisip ko lang ang paparating na exam," sagot ko. Umiwas ako ng tingin.

Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at iniharap sa kaniya. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniyang mga mata dahil ayokong makita niya malungkot mga mata.

"Aki, tumingin ka nga sa akin. Tell me the truth, why are you like this?" Tumingin ako sa kaniyang mga mata.

"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong ko, nauutal.

"What happened to you and Hugo?" tanong  niya, hawak-hawak pa rin niya ang magkabila kong balikat.

Hindi ako sumagot. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang ano mang luhang gustong dumaloy mula rito. Ayokong makita niya kung gaano kasakit ang ginawa ng pinsan niya, kung gaano kalalim ang sugat na nagawa niya at kung gaano kahirap na bumangon mula sa pagkakadapa.

"W-Wala nga!" sagot ko. Napabuntong hininga na lang siya nang wala siyang makuhang sagot mula sa akin.

"Just tell me if you're ready. I'm always here to listen, because I am your friend. And, I will never leave you."

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon