Chapter 26

7.3K 349 30
                                    

SPG: THIS CHAPTER CONTAINS SEXUAL ACTIVITY THAT ARE NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS.

ENJOY READING!

Aki's Point Of View

"Ano na gagawin natin ngayon? Mukhang late na tayong dalawa kung babalik pa tayo sa University," sabi ko nang matapos kaming kumain. Nasa sala kaming dalawa, nakaupo sa mahabang sofa.

Kahit hindi naman ako gutom ay napakain ako ulit. Nakakainis dahil isang sabi lang niya sa akin ay napapasunod ako. Gusto kong pukpukin ang sarili dahil hindi ko maintindihan kung bakit gano'n na lang ako sumunod sa mga gusto ni Hugo.

"We can stay here and talk or..." Kumindat ito at mabilis akong hinapit sa baywang papalapit sa kaniya. "You know what I mean."

Natigilan ako. Hindi ako makagalaw sa aking puwesto dahil sobrang lapit ng kaniyang mukha. Hawak pa nito ako sa baywang. Ang puso ko ay naghurumintado na naman sa pagtibok, kinakabahan dahil sa biglaang paghapit ni Hugo sa akin. Nangilabot pa ang buo kong katawan nang bumulong ito sa akin.

"I want you."

"T-Teka nga!" Mabilis kong hinawi ang kamay niya sa baywang ko at lumayo sa kaniya. Masama ko siyang tinignan.

Parang pinagsisisihan ko nang umalis pa kami sa University para lang makalayo sa mga studyante kanina.

"Why? You don't want me?" tanong niya. Napalunok ako. Iba ang paraan ng pinapakita niyang tingin sa akin ngayon, may kakaiba at para kang hinihipnotismo ng kaniyang mga titig.

"H-Hindi naman sa gano–" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil natigilan ako sa pagtitig sa kaniya.

Sinimulan nitong alisin ang mga butones ng kaniyang polo, isa-isa ang kaniyang pagtanggal dito. Ang mga titig niya'y nanatili sa akin hanggang sa natanggal ang pagkakabutones ng kaniyang uniform.

"You can stop me, Aki. You can, but if you're not going to stop me, I won't stop myself either."

Kita na ng dalawang mga mata ko ang katawan niyang nililok sa sobrang ganda. Wala pala siyang suot na sando sa loob. Sunod-sunod ang naging paglunok ko dahil sa tanawing nasisilayan ko.

"B-Baka m-masaktan ako..." Gusto kong pukpukin ang sarili ko. Kung bakit sa dinami-rami ng puwede kong sabihin ay iyan ang lumabas sa bibig ko?

Nararamdaman ko na rin ang pag-akyat ng dugo sa aking mukha. Ang katawan ko'y nanginginig dahil sa kaba na may halong excitement? Hindi ko rin mabunot ang titig ko sa kaniyang katawan.

"I'll be gentle. I, promise," nang-aakit niyang sabi.

Gusto kong magprotesta ngunit papaano ko gagawin iyon? Ni hindi ako makaalis sa kinauupuan ko. Bigla rin nanikip ang suot kong slacks dahil sa pagtigas ng laman sa gitna ng aking mga hita.

"H-Hindi ko alam," sagot ko sa kaniya. Hindi ko alam ang isasagot ko.

Ibang Hugo Hidalgo ang kaharap ko ngayon. Hindi rin ito katulad ng unang may nangyari sa amin. Ngayo'y parang may kakaiba na hindi ko maipaliwanag kung ano.

Umiwas ako ng tingin ng tumayo ito  at lumapit sa akin. Wala na siyang suot na damit at kahit araw-araw kong nakikita ang hubad niyang katawan dito sa condo niya. Hindi ko pa ring maiwasan ang hindi mamangha. Tumayo siya mismo sa harapan ko. Sakto ang mukha ko sa bukol na nasa kaniyang harapan.

"Look at me, Aki." Yumuko siya at hinawakan ang baba ko upang iharap sa kaniya. "You want this, right?"

Napalunok akong muli at hindi ko alam kung bakit dahan-dahan akong tumango. Napangisi siya sa naging sagot ko.

Hugo's Secret [Boyxboy] (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu