ONE-SHOT

33 1 4
                                    


At first, I was miserable.

Madilim pa ang langit nang lumabas ako sa bahay. Ni wala pang tumatamang sinag ng araw sa aking mukha at tanaw ko pa ang mga maliwanag na bituin sa kalangitan na tinitingala ko ngayon.

"Kaya mo 'to self. This is your everyday routine, right? "pampalubag loob ko sa sarili. Halos araw araw na akong kulang sa tulog because of overloaded paperworks. Sometimes I feel like my mind will explode and I feel like words are dancing in my eyes already because I can't stop doing this.

Nakakapagod but this is really what I love. Magpapahinga pero hindi sumusuko. This is my passion. And I know that passion within me pushed me in what I am now. Successful. One word. Only one word that made me feel happy.

I pressed my key fob to start my car and then immediately get in. I yawned. Puyat pa talaga ako.

I parked my car when I got to the place. I looked at my watch and realized na 4 pa lang ng umaga. Maaga pala talaga ako pumunta dito.

I'm wearing my usual attire. Black formal slacks, our cream-colored uniform that fitted my body, a black pump heels and of course, my bag. Wala pang tao sa lugar at sobrang tahimik pa and it's okay for me because I am used to this. I have my spare key too.

I enter one of the rooms and took the paperworks I had finished last night from my bag

"This is a good time to review what I finished last night" sabi ko sa sarili.

"Mama, Mama" rinig ko pa ang mga katagang iyon. Tinig ng isang batang malungkot at umiiyak.

Anong meron?

"Ate, wag ka nang umiyak. Umalis na si mama" sagot naman ng batang lalaki na kung titingnan mo'y mas bata pa sa umiiyak.

Teka? Sino ba sila? Hala, baka minumulto ako dito. Wag naman Lord matatakutin ako diba. Badtrip wala pang bawang. Fudge self di ka talaga girl scout.

"Hindi pwede. Sino nang magtuturo sa atin? Mag aalaga? " sagot ng babae. It looks like she was having a hard time to breath because of tears.

"Sabi nya naman babalik sya ate eh. May aasikasuhin lang. OA mo naman. Ang pangit mo kaya kapag umiiyak" the boy answered as he tossed the girl's hair.

"Hindi. Sabi nya babalikan nya tayo kapag okay na ang lahat. Ano kayang problema? Bakit may mga dala syang bag? Puro ka kalokohan eh"

"Anong meron dyan? " rinig ko ang isang babae. Is she a boss or what? I don't know.

Ramdam ko ang takot ng dalawa. Umiiyak sila pero nang tanungin na ay parang mga batang dinaig pa ang matawag sa recitation sa sobrang tahimik. The two hug themselves as they look at the ground

"Ah ma'am wala po" ani ng lalaki habang yakap ang kanyang ate.

"Okay lang ba kayo? Teka, bata umiiyak ka ba? " tanong ng ginang na lumambing ang boses matapos makita ang pamumugto sa mata ng bata. She walked slowly towards the children, squatted in front and put her hands in lap while observing the both of them. "Hey, I'm not gonna hurt you. Do you have a problem? " the middle aged-woman asked. Oh wait, she's a teacher. I knew it.

But the two didn't reply. I'm not sure if they were just scared or they don't wanna talk about it at all. It seems that the young girl can't take it.

"I'm sorry kung natakot kayo sa akin. By the way, I am Ma'am Sunshine" the teacher said. Seconds passed by, she extended her hand and I immediately saw the sunflower necklace. Napakunot ako ng noo. "I'll give this one to the both of you para hindi na kayo malungkot. Sobrang aga pa ah, bakit na kayo nandito? Nasaan ang mga magulang nyo? " she added and she looked around looking for a possible company of the two.

A Dream from the Past [ONE-SHOT STORY]Where stories live. Discover now