IKA-LABINTATLONG KABANATA

Start from the beginning
                                    

Palagi n'yang napapanagipan si Taureil t'wing sinusumpong s'ya. Isang sign din siguro 'yon na hindi pinababayaan ni Taureil ang kakambal n'ya. Ganun siguro kapag kambal~ kahit wala nang pisikal Ang isa, ay manatiling may kung anong koneksyon sa kanilang dalawa.

"Tinawanan n'ya po ako kasi po ang weak ko raw." sinabayan n'ya pa iyon ng mahinang tawa. Natawa na rin ako dahil sa mumunti n'yang tawa.

Nararamdaman kong masaya ang anak ko sa t'wing mapapanaginipan ang kanyang kambal. Alam kong kahit hindi sila sabay na lumaki at naiwan si Taurein ay naniniwala akong may nandyan parin sila para sa isa't-isa.

"Ano naman sabi mo sa kanya?" Nangingiti ko nang tanong. Umayos ako ng upo sa kanyang tabi ay kuryosong naghintay ng kasunod.

Tila napaisip ito at huminga. " Sabi ko ko hindi naman." Mahinang sagot nito  "Tapos di ko na po maalala Kasi malabo na." Ngiti nito.

"Gusto ba ng baby ko ng apple?"pag-iiba ko sa kanya bago ko pinakita sa kanya ang mansanas na dala nila nanay kagabi.

"Opo naynay."sagot nito sa akin. Inalalayan ko naman s'yang makaupo nang maayos at tsaka ko binalatan ang mansanas habang hinayaan ko naman s'yang magkwento tungkol sa nangyari bago sya atakihin.

Kaysarap sa tenga ng kanyang mumunting tawa. Tila ba wala itong nararamdamang sakit. Normal na bata kagaya ng iba.

Minabuti kong hindi muna pumasok ngayon sa mansyon. Pagkatapos nang lahat nang nangyari kahapon at kagabi, ay wala na akong lakas para ipakitang matapang ako. Mabuti na nga lang at si Anding ang nagsabing, s'ya muna ang bahala doon. Hindi ko na rin muna iisipin ang sasabihin ni Thorin. Mas mahalaga ang kaligtasan ng anak ko.

Kagabi ang pinakamahabang gabi sa buhay ko habang nasa pintuan ako ng emergency room at hinihintay ang paglabas ng doctor. Walang tigil ang tahimik kong pagdarasal, habang wala ring tigil ang pag-agos ng aking mga luha sa magkabila kong mata. Gusto kong mabuhay ang anak ko. S'ya nalang ang mayroon ako. S'ya nalang ang natitira sa'kin. S'ya ang buhay ko. Hindi ko maisip kung anong mangyayari sa akin kung mawala pa si Taurein. Marami na akong pinagdaanan, at hindi ko na makakaya ang lahat kung mawala pa ang anak ko.

Ngunit, ang gabi ring iyon ang nagpabago nang lahat-- Ang gabing iyon ang bumasag sa puso ko bilang isang ina-- Ang gabing iyon ang nagpamulat sa akin na oras at pagkakataon ang kalaban naming mag ina, dahil nang gabing iyon nalaman kong unti-unting kukuhanin sa akin si Thorin kung hindi mapapalitan ang puso nito.

Heart Transplant ang sagot.

Ang tanong~ sino? Kanino?

________________________________

THIRD PERSON

Tatlong katok sa pinto ng aking opisina ang pumukaw sa malalim kong pag-iisip. Magmula nang dumating ako galing America ay hindi na ako mapakali sa isang tabi. Halos hindi na tumitigil ang tuluyan kong paggalaw para lang makita ko s'yang muli.

"Come in." Walang emosyong sambit ko sa kung sino mang kumakatok na iyon. Marami akong kailangang gawin. Maraming dapat linisin. Maraming dapat ayusin, at may isang taong dapat kong hanapin.

Bumukas iyon at pumasok ang aking sekretarya.

"Sir, you need to sign this papers. " Marahan nitong sambit. Inilalapag sa itim kong mesa ang ilang folder na may kinalaman sa mga business transaction.

"Thanks, you may leave." saad ko, at muli kong ibinalik ang aking atens'yon pagtanaw ng ilang estblishementong tila nakayuko sa emperyong kintatayuan ko ngayon. Ilang linggo na akong nanatili dito sa bansa. Ilang linggo ko na rin hinahawakan ang emperyong dating nagpabagsak sa akin. Ang emperyong sumira sa akin-- sa taong minahal ko, ngunit heto ako ngayon sa emperyong tutulong sa aking muli akong mabuo.

Ilang taon rin ang inilagi ko sa America upang ayusin kung anuman ang naiwan ko noon. Doon ko hinasa ang galing ko sa pagpapatakbo ng business. Doon ako sumubok lumimot, ngunit may parte pa rin sa pagkatao ko ang tila kulang ng lisanin ko ang Pilipinas.

Hindi naging maayos ang buhay ko sa America, kabi-kabila ang naging karelasyon ko upang makalimutan ang taong iyon, ngunit, kahit ang gabi-gabing pagsiping sa iba't-ibang babae ay hindi nakatulong, Bagkus lalo lamang akong nalungkot, nangulila, nasabik. Ngunit hindi maari. Hindi p'wede. Mali. Hindi sa akin ang puso n'ya, kahit ginawa ko na ang lahat. Kahit isinugal ko ang lahat ay kulang pa rin iyon--dahil kahit kailan hindi ko kayang punan ang kulang sa kanyang buhay.

Napabuntong hininga ako ng muling rumehistro sa aking isipan ang galit n'yang mukha habang isang malakas na sampal ang iginawad n'ya sa akin matapos ko s'yang palayain, kahit masakit ay ginawa ko. Kahit alam kong ikamamatay ko ang desisyong 'yon ay pinanindigan ko. Dahil 'yon ang tamang gawin-- Palayain ang taong hindi mo kailanman pwedeng ariin.

Mahihinang katok muli sa aking pinto ang pumukaw sa aking malalim na pag-iisip. Lumingon ako at hinintay kung sino ang nasa likod nang pintong iyon. Napuno ng kaba ang dibdib ko nang pumasok ang nasa mid-thirties na lalaki. Naka simpleng t-shirt ito at khaki short. Itinuro kong umupo s'ya habang ako naman ay nag-lakad palapit at naupo sa swivel chair. Pinagsaklop ko ang aking mga kamay sa ibabaw ng mesa at kinusap ang lalaki.

"Nirekomenda ka ng kaibigan ko dahil magaling ka sa mga ganitong bagay." panimula ko.

Tumango-tango naman ito. Sa itsura palang ng kaharap ko, alam kong malaki ang maitutulong n'ya sa problema ko.

"Ano po ba ang ipapagawa nyo sa'kin?" walang emosyon n'yang tanong.

Yumuko ako at hinila ang unang drawer at kinuha ang isang picture na naroon. Iyon lang ang kaisa-isang picture n'ya na meron ako. 'Yon lang din ang larawan na naging lakas ko para bumalik sa PILIPINAS.

"Find her." sabi ko, bago ko inilapag ang larawang iyon. I need to know where she is now. I need her in my life.

Kinuha n'ya naman iyon at pinakatitigang mabuti.

"Her name is Johanna Samonte."

_________________________________

The Lust SufferWhere stories live. Discover now