Kabanata 10

6 2 0
                                    

Kabanata 10

Pumasok ako ng school kahit may benda pa ang kamay ko.Marami akong gustong gawin ngayong araw.Pero hindi ko yun magagawa ng maayos kung maraming tao ang nakapaligid sa akin.Kung marami ang mga matang naka aligid sa akin.

Ang plano ko ngayon ay pumunta sa lumang building at umakyat sa ibabaw ng rooftop at don ko simulang basahin ang diary.Pero natatakot parin akong umakyat don baka kasi makita ko ulit ang kaluluwa ni Mindy run.Kinilabutan ako tuloy.

Nakatayo ako sa ilalim ng molave tree sa harap ng lumang building.Inilatag ko ang itim kung jacket at don umupo.Medyo maayos narin ang kaliwa kung braso at naigagalaw ko na ng maayos.Pagtingin ko sa notebook mukhang mahaba habang basahan to.Hay! Hindi pa naman ako mahilig magbasa.

Sinimulan ko ulit basahin ang diary at binuksan  sa susunod na pahina.

Naging masaya ang araw ko rito.Hanggang sa nakilala ko sila...

Nagkaroon ako ng mga kaibigan na maituturing kong pamilya.Sobra akong nagtitiwala sa kanila dahil alam kong hindi nila ako bibiguin.

Lima kaming magkakaibigan.Subalit pinaghiwalay kami dahil sa isang masamang pangyayari.

Nilipat ko sa next page dahil mukhang boring naman.Nakakainis bigla akong nagutom.Mapuntahan nga mamaya ang canteen.

Mapuntahan nga mamaya ang canteen

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


The second eye

Una kung nakilala si Shannon.Noong una hindi kami magkasundo kasi napakamaldita niya sobra sobra.Parati kaming nag aaway at nagbabangayan.Kahit ganon itinuring ko siya bilang kaibigan..

Minsan ko na siyang sinagip sa kapahamakan....

Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin.Habang tumatagal don ko napatuyan na hindi naman talaga siya yung taong inaakala ng lahat.Sa panlabas na kaanyuhan niya ay madali mo siyang husgahan agad pero kapag nakasama mo siya ng matagal ay don mo lang masasabi kung gaano ito kabait.

Handa niyang isakripisyo ang kanyang sarili para sa pagkakaibigan namin.

Mukhang mahaba haba pa talaga  ito.Basi sa pagkaintindi ko ay magkakaibigan silang lima.Ngunit tila nawasak iyon ng isang pangyayari.Parang hindi parin ako makapaniwala.Si Shannon mabait weh? Let see.

Warfreak siya sa mga taong hindi niya kaclose pero sa totoo  lang ay sobra siyang mabait sa amin.

Lahat ng problema namin ay sinishare namin.Yun ang pangako namin sa isat isa.Walang iwan magpakailanman..

Siya ang pangalawang saksi sa lahat.Siya ang ikalawang mata.Nandon siya ng mga araw na yun.

Mukhang wala naman akong mapapala rito.Hinahap ko kasi yung maaring makatulong sa akin upang mapatunayan ko kung aksidente ba talaga ang pagkamatay ni Mindy.Parang basura lang rin to eh.
Patience lang Frankie,..kunti nalang just continue reading..

CIRCLE OF FATEWhere stories live. Discover now