Kabanata 6

6 3 0
                                    

Kabanata 6;

Nagising ako ng hating gabi.Nakaramdam ako ng kakaibang presensiya.Pinilit kung ipikit ang mata at magtulog tulogan.Kunwari wala akong narinig, kunwari wala akong alam.

Pero kahit anong gawin ko hindi ako makatulog.Kinakabahan ako kasi parang may nakatingin sa akin.Siniksik ko ang aking katawan sa unan upang gumaan ang pakiramdan.
Nakatagilid akong nakahiga sa kama.Mahimbing ang tulog ni Dorothy.

"MARAH...MARA...MARA...hahaha".

Isang ingay ang aking narinig.Dahilan para gumising ang aking diwa.Takot.Pangamba.Yun ang nararamdaman ko sa oras na to.

Pilit kung huwag pansinin.Itanggi ko man ngunit natatakot ako.Gusto kung sumigaw at gisingin si Dorothy.Pero hindi ko nagawa.Naramdaman ko ang presensiya niya sa gilid ko.Gusto kung umiyak.Palapit siya ng palapit.Pero hindi ko maimulat ang aking mata.

Nakaramdam ako ng lamig.Isang bulong galing sa hangin.Napapikit ako.Nakaramdan ako ng hininga malapit sa leeg ko.Isang munting tinig ang  gumambala sa buo kung pagkatao.Masyado siyang malapit.Nangingig ang buo kung katawan at kalamnan.Tila hindi makagalaw.Isang salita ang kanyang binitiwan.

"I LOVE YOU AKING KA---"

Napamulat ako sa aking kama na gulat na gulat.Tila rumehestro ang mga pangyayari sa akin.Isang panaginip.Isang paniginip ang gumising sa akin.

Nakita ko ang pag alala ni Dorothy.Naka upo siya ngayon sa tabi ko."Okay ka lang ba?" Hinagod niya ang likod ko para kalmahin."Hindi kasi kita magising..ungol ka ng ungol sa kama mo, akala ko kung ano na ang nangyari sayo,".

Nilamos ko ang aking mukha gamit ang palad.This is not real.

"Nanaginip ka siguro ano?".May kinuha siyang tubig at inaNanaginipbot sa akin.
Agad ko naman yung kinuha at ininum.

"Salamat,it was just nightmare and sana hindi na maulit yun".Pero kahit ganon nanginginig parin ang kamay ko.Nagtataka ako kung sino yun.

"Maligo ka na,hindi na siguro kita hihintayin may gagawin pa kasi akong importante sa school".Nakita kung nakabihis na pala ito."Bye,magkita nalang tayo mamaya,huwag mo masyadong alalahanin yung panaginip mo nakakapangit yun!".

At tuluyan na nga itong umalis.Napabuntong hininga akong pumasok sa banyo para maligo.Umabot ako ngfifteen minutes sa banyo tapos nagbihis.

Late na ako para mag agahan pa.Habang naglalakad ako sa hallway ay napansin ko ang kakaunting mga tao.

Pagdating ko klassroom magulo ang loob.Masaya silang nagkwekeentuhan at nagbibiruan.

Batay sa  nakikita ko wala kaming klase.Agad kung hinanap si Dorothy.Ngunit wala siya.
Umupo ako na parang malungkot at may kulang.Ewan ko ba para akong walang gana.Parang gusto kung matulog.Hay.

Isinantabi ko muna ang pag gather ng points.As long as nasa akin pa ang dice.Mukhang wala naman silang balak mag umpisa eh..

Every one wants to wish from that box.Hindi natin maikakaila yun pero yon ang totoo.Maski ako gusto ko rin.Nagbabasakali kasi ako na  baka bumalik pa ang parents ko.Muling nanumbalik ang sakit.Sana nga hindi nalang sila namatay.Sana kasama ko pa sila ngayon.Masaya pa sana kami ngayon.

Alam kung may ibat iba kaming pinagdadaanan.Mga experiences at mga bagay na gustong ibalik.
Pero isa lang ang maaring manalo.

Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ng humablot sa akin.Napa angat ako ng tingin.

"Para sayo" saad ni Grey.Ibinigay niya sa akin ang isang pack ng marshmallow.I felt surprise.Si Mr. Pervert magbibigay ng ganito.Ano kaya nakain nito.Biglang bumait eh.

CIRCLE OF FATEWhere stories live. Discover now