Pinky Swear

11 3 0
                                    

3 years AGO

"Oyyy besprend" tawag saken ng besprend kong si Hyacinth..

"Bakit?" tanong ko sa kanya habang kumakain, andito kami ngayon canteen dahil lunch namin..

"Tingin mo.. After 10 years, magkaibigan paden tayo?" nilingon ko sya habang nakatingin sya sa malayo

"Oo naman noh"

"Wehh?? Promise??"

"Tss. Para kang bata.. Oo nga, promise.."

"Pinky swear??" natatawang tanong nya kaya natawa din ako

"Para ka talagang bata.. HAAHAHAHHA, Ok pinky swear.." ginawa namen yung pinky swear.. Tinitignan na kami ng ibang tao dito kaya nagpatuloy na ako sa pagkaen..

"Walang bawian yan ahh" sabi nya kahit punong puno ang bibig nya

"Oo nga.. Ang kulet" ginulo ko yung buhok nya

***

PRESENT

"Besprend, ito nga pala yung girlfriend ko.. Si Kizziah"

"Ah okay.. Hello" bati nya sa gf ko saka ngumiti.. May napansin ako sakanya, parang malungkot yung ngiti nya

"Ahmm, Rex.. Alis muna ako"

"Ahh, sige."

***

Hyacinth's POV

Aaminin ko na dapat sakanya nung araw na yun kaso nahihiya ako saka ayokong mawala yung pagkakaibigan namen dalawa at ayokong masira ang relasyon nila ng gf nya..

Andito ako ngayon sa bahay nila Rex.. Pinapunta ako dito ni tita kase ipapakilala na daw ni Rex yung gf nya kila tita..

Pagkatapos namen kumain ng hapunan.. Tinulungan ko si tita maghugas ng plato.. Nakita ko si Rex sa garden nila kaya nilapitan ko sya

"Naksss gusto nila tita yung gf mo"

"Oo nga eh.. Masaya ako"

"Ako den.. Masaya ako para sayo"

"Pero sana kahit may gf ka na.. Hindi mo parin kalimutan yung promise naten" dugtong ko pa

"Syempre naman noh.." ginulo nya yung buhok ko

***

"Rex, pede ba tayong mag usap bukas? Sa park na palagi nateng tinatambayan.."
Now - SMS

Minessage ko si Rex dahil sasabihin ko na sakanya ang nararamdaman ko para sakanya.. Gagawin ko to kahit alam kong may magbabago..

Nagreply sya na "Sige" kaya kinabahan ako sa sasabihin ko sakanya.. Natatakot den ako sa pedeng mangyari samin, natakot den ako na baka mawala yung pagkakaibigan namin..

***

KINABUKASAN~

Andito na ako sa park na palagi naming tinatambayan ni rex.. Nakita ko syang nakatalikod at nakaupo sa bench.. Nakasuot sya ng tshirt na white tas nakamaong sya na pantalon..

Nilapitan ko sya at tumabi sakanya.. Tinignan ko sya at nginitian.. Huminga ako ng malalim saka pinagmasdan ang paligid..

"Ang lalim nun ahh.. Ano ba yung pag uusapan natin besprend?"

"ahh ano kase ehh"

"ano yun besprend?"

"ahh a-ano.. Namiss ko lang kase bonding natin magkaibigan ahahaha"

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now