Chapter 15

1.1K 32 2
                                    

Lucy's POV

Our graduation day came. We are all happy. Sino ba namang hindi? Finally. Pagkatapos ng lahat lahat ng paghihirap ko, I still graduated. Well he graduated as cum laude.

Nandito yung parents namin pareho. At alam ko na masaya rin sila. Hahay! I'll miss this.

And he just passed the licensure exam for engineers and now he is already Eng. Klent Adrian Louise Montfiore. At ako? Si Hell Lucy Ferrer parin. Haha. Walang pinagbago. Aaminin ko, proud ako dahil naabot na niya ang kanyang pangarap.

Tomorrow I will manage our business na here in the Philippines. Mahirap man pero wala akong magagawa. Being an only child, you'll have all the responsibilities at your shoulders.

After such, eh dumeretso na kami sa pinagdausan ng celebration ng graduation party naming dalawa. Oo. Fused. Para daw tipid na as if naman totoo, saka magsasama naman na daw kami so why not. Ewan ko kela mommy at mom eh.

"Congrats!"

Yan ang mostly na naririnig namin. Mula sa mga bisita, kakilala maging sa mga social media namin. Kainan everywhere. Inuman syempre hindi naman yun mawawala. Eto pang mga kakilala namin na ang lalakas uminom eh. Natapos ang kainan bandang alas dyes. Syempre mya bundat na sila kakakain. Sayawan is real. Heto nakakasayawan ko yung mga pipol ng university.

Si Louise? Nandon ewan ko kung asan. Basta nagsaya lang ako. This is my day. Kachismax ang barkada at si Clyde na grumaduate din ng Pol Sci ngayon.

"Baby, napansin ko ang tamlay ng boyfriend mo. Nag away ba kayo?" Usisa ni Clyde sakin. Oo, sensitive siyang tao.

"Hindi naman. Pagod lang siguro." Sabi ko. I just shrugged. Alam ko naman na tinotopak na naman ang baklang yun.

After namin umuwi. Napansin ko na nahiga agad siya. Ok. Maybe napagod na nga. Hindi ko nalang din pinansin. Sa tagal ba naman ng graduation rites at party malamang wala na siyang lakas ngayon. So I just cleaned myself. Natulog nalang din ako pagkatapos.

Dumaan ang mga weeks na puro trabaho ang inaatupag naming dalawa. Napansin ko na palagi siyang wala sa bahay. Kaya nagtaka ako. Wala naman akong nabalitaang may project siya ngayon. Pero hindi ko nalang siya inusisa. Some things are private samin so I have bo right to ask for that.

Madalas kong kasama ngayon si Clyde sa opisina total eh wala pa naman siyang gagawin haha. Kaya siya muna ang temporary alalay ko. Char! Oo, ginawa kong utusan ang pinsan ko. Syempre ang daming mga babae dito na parang kitikiti kung makaasta. Nakakita ng bagong species kaya ganern.

So heto ako work mode parin. Ang dami daming tambak na papers ng company eh. Nataon pa na season ngayon ng special holidays kaya time two talaga yung effort naming lahat. Pagod na pagod ako.

Pagdating sa bahay wala naman ang baklang yun kaya tulog nalang ako. Mamaya pa siguro yun darating. May susi naman siya ng gate saka ng main door kaya ayos lang yun.

Nga pala, kanina pumunta kami ni Clyde sa bagong bukas na cafe. May free picture sa love booth ang first 100 napapasok.

Yung pic namin is nakangiti kami pareho. Nakaakbay siya sakin tapos may signage dun na nakalagay...

"I LOVE YOU WITH ALL MY HEART. NO BOUNDARIES."

Pagkauwi ko ay inilagay ko ito sa compartment ng locker ko.
Days passed at pareho parin ang ganap. I know boring but wala akong magawa. I've already adopted to how the life in the office works.

Hindi narin ako nagmamaldita. Haha. Proud ba kayo sakin?







Third Person's POV

Hell has been wondering what happened to Louise without knowing what he did.

It happened that hindi niya namamalayan ang nangyayari sa paligid niya dahil nga subsob siya sa trabaho.

Isang gabi umuwi si Louise ng lasing. Pasado alas onse na nang ito'y dumating. Sakto namang pababa sana siya para kumuha ng tubig na maiinom. Naalimpungatan siya at nagulat nga nung makita si Louise na pasuraysuray.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay. Anong..." Pinutol nito ang sasabihin niya sana.

"Pwede ba Hell? Kahit ngayon Lang don't be so demanding of me answering your freaking questions? Hindi mo man lang ba naisip na wala kang pakialam sakin? Ha?"

"May pake ako kasi nasa iisang bubong tayo. Saka isa pa, hindi mo man lang naisip na may naghihintay sayo?"

"Hindi kita inutusan na hintayin ako! Wala kang pake sakin! May kanya kanya tayong buhay diba? Please lang Hell! Let me be!"

"Hinahayaan naman kita ah. Oo may sarisarili tayong buhay pero hindi naman sa wala tayong pakealam sa isa't isa."

"...."

"Ano bang problema mo?"

"Tinatanong pa ba yan? Syempre ikaw lang naman ang problema ko! Nakakasawa na. Ikaw nalang palagi ang dapat nagtatanong. Ikaw nalang. Puro ikaw."

"Adrian.. i.."

"Bakit? Di ka makasagot? Kasi tama ako?"

"Hindi sa ganon."

"Ah... Oo nga pala. Ikaw pala ang dahilan kung bakit ako napasok sa nakakabaliw na relasyong ito. Akala mo ba hindi ko alam? Akala mo na wala akong pakealam? You're wrong. Kasi wala kang pake kaya hindi mo alam."

"Ang alin ba? Ipaliwanag mo ng maayos."

"Ha! Ako pa talaga. Fine!! Sino ba yung palaging wala dito sa bahay? Opisina pala ha? Para ba makita mo si Clyde? Oo nga pala. Malandi ka diba? Kaya mo nga ako napasok sa relasyon na to dahil sa mga schemes mo. Hahaha! Nakakahiya ka!"

Nag uunahang pumatak ang mga luha sa mata ni Hell. She can't even speak. How did it all go haywire? Ang sasakit ng sinabi ni Louise. It stuck her heart like a knife with acid. It stung.

Nasampal niya si Louise. It caught them off guard.

"Don't tell me that when you don't know the truth. Ano bang gusto mong gawin ko?" She asked as tears streaming down her face.

"Wag mo akong pakialaman. Leave me alone."

"If that's what you want. Hindi kita pipilitin." Sabi ni Hell na waring wala nang lakas.

They both parted ways. Isa ay pumunta ng banyo at isa ay pumasok ng kwarto.






Note:

Give me your comments guys. Anong gusto niyong mangyayari next? Make your voice loud. Pahabaan ng sagot. 😅. Cheret!

Raping That Handsome GayWhere stories live. Discover now