Chapter 27 (Chasing Him)

Start from the beginning
                                    

"A-anong ginagawa mo? " saad ko at ibinaba ang tingin ko kasi naman titig na titig ito sa mata ko habang nakangisi.

Nang makalapit ito sakin ay yumuko ito kaya biglang nahirapan akong huminga, tanging lakas ng kabog ng dibdib ko ang naririnig ko.

" Kung ayaw mong may milagrong mangyari sa isla na ito at sa bawat sulok ng bahay na ito, bawas bawasan mo ang kapilyuhan ng utak mo dahil oras na mawala ang pagtitimpi ko walang makakakita sa gagawin ko sayo" bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko sa sinabi nito

"Maglalakad lakad muna ako sa labas baka may makita akong pwede nating hingan ng tulong" simpleng saad nito at iniwan akong nakatulala.

Nang mahimasmasan ako ay nagmadali na akong umakyat sa kwarto at nilock ito.

Shemay, nanindig balahibo ko dun ahh.

Shems, kailangan protektahan ang brilyante >Δ<

Author's POV

Habang naglalakad ang binata sa dalampasigan ay abot tenga ang ngiti nito habang inaalala ang nangyari kanina

Habang ang dalaga naman ay kung ano anong senaryo ang pumapasok sa isip habang nakahiga sa kama nito.

Bigla bigla nalang itong nagtititili at maya maya pa ay bigla bigla na naman itong mamamaluktot sa isang tabi na tila ba pagsasamantalahan siya ng binatang kasama.

Iyana's POV

Nagising ako na maggagabi na kaya bumaba ako para tingnan si chenchen.

Naabutan ko itong naghahain ng pagkain kaya napangiti nalang ako habang nakatitig sa bawat kilos nito..

Pang wattpad material talaga tong lalaking to maliban sa hindi nabiyayaan ng kasweetan -,-

Maya maya pa ay tumingin ito sa gawi ko kaya bigla kong inayos ang tindig ko at naglakad papalapit sa mesa na parang walang nangyari.

"Let's eat" saad nito at umupo sa harap ko.

Napanguso nalang ako sa inasta nito.

Napakasungit talaga kala mo pinaglihi sa sama ng loob.

Habang kumain ay hindi ko maiwasang tingnan ito.

Mayamaya ay nakangiti itong tumingin sakin na ikinapagtaka ko

" Masarap ba yung tilapia mo? " saad nito kaya bigla akong nabilaukan.

Dali dali akong uminom ng tubig at tiningnan ito ng masama.

" Ano bang ginagawa mo? Bakit ka nagtatanong ng ganyan? " inis na saad ko dito.

" Anong masama sa tanong ko? Baka kasi hindi mo nagustuhan ang ulam mong tilapia kaya tinanong ko" nakangising saad nito habang nakatitig sa mata ko.

Bigla naman akong napahiya sa inasta ko, bakit kasi ibang tilapia ang nasa isip ko >Δ<

" Ahh, ok lang masarap naman" tipid na ngiting saad ko at sumubo ng kanin.

" Pwede ko bang tikman ang tilapia mo " saad nito kaya naibuga ko ang kanin sa bibig ko.

Bigla naman itong natawa sa inasta ko.

" Shemay, pwede bang tigilan mo yang kakatilapia mo?! " inis na saad ko dito

" Anong masama gusto ko lang naman tikman ang ulam mong tilapia para kasing malansa itong niluto kong akin" nakangising saad nito

Sa inis ko nilagay ko sa harap nito ang plato ko

"O hayan sayo na lahat!" inis na saad ko at uminom ng tubig.

My Naughty Girl Where stories live. Discover now