Chapter 4: Their First Kiss?
************************************
Kathryn's POV
Insomnia sucks! Di ako makatulog. Pinipilit kong ipikit ang mga mata ko pero wala eh. Otw pa lang ata yung antok ko, di pa dumadating. Tsk. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko, then I get my phone and check it. I have 6 unread messages.
Yung apat mga group messages lang from my friends. Yung isa galing kay Mama saying Goodnight,wala siyang liban sa pagtext saken ng ganun every night eh. Haha. Maybe her way of saying na they had been okay for the whole day. Then the last one is from an unknown number. I open it..
*****
From: +639056xxxxxx
Kathryn! Si DJ to. Yung panyo huh. Ingatan mo yan. Lagot ka saken pag nawala yan. Ibigay mo na saken sa Monday!
*****
Ow si Daniel pala, at talagang kahit sa text masama talaga ugali niya huh. Humihingi na nga ng pabor may pagbabanta pa.
Hiningi nya pa siguro yung # ko kina Julia, para lang itext ako about sa panyo? Edi wow.
Nireplyan ko siya. Tinype ko- "Hindi ka man lang ba marunong magplease? -__-" Sent.
Wala pang isang minuto, nagtext na ulit siya. "Hindi eh." I read. Aba. Nagmamatigas huh. I replied- "Okay! Hindi ko to ibibigay sayo hangga't walang please." Sent.
He replied again. "Tignan lang naten. Bye!"
"Talaga. Mark my words!" - reply ko sa kanya. Tignan lang talaga naten, kahit ano pang gawin mo. Sabi ko sa sarili ko.
Makalipas ang ilang minuto, I check my phone again pero wala na syang reply pa. So nilapag ko na ang phone ko tas kinuha ko yung panyo mula sa bag ko.
"Ganun ka ba kaimportante kay Daniel huh? Ano bang meron sa'yo?" Kinakausap ko yung panyo. Lol. As if naman sasagot siya. Haha.
Nakita ko na naman yung nakaburda na "DK". Kung hindi pala to kay Dom, eh anong meaning neto? Gayung Daniel John naman ang name niya. Inisip ko baka yung D is for Daniel talaga, then yung K is. . . maybe a name of a girl? One of her ex? Pero hindi eh, sabi ni Julia wala naman daw kahit isang sineryoso tong si Daniel sa lahat ng naging relasyon niya. Wala ngang nagtatagal eh.
Hay naku. Nahihiwagaan talaga ako dito kay Daniel eh. Unang-una wala naman sa itsura niya yung pagiging sentimental na tao, pero bakit parang ganun na lang niya pinahahalagahan tong panyong to.
BINABASA MO ANG
FINDING THE ONE (A KathNiel FanFiction)
FanfictionCrush. Puppy Love. First Love. Romantic Love. Yes, they may come. And they absolutely make ones' smile. But if you go along the deep meaning of real happiness, you would realize that TRUE love, UNCONDITIONAL love, and MATURE love are the best kinds...