Chapter 16

58.2K 1.4K 305
                                    

Chapter 16

Her slap echoed around the room. My cheek stung and I tasted blood on my mouth. I didn't fight back. I just silently stood behind Saturn.

Muli siyang sumugod para saktan ako pero nagawa na siyang pigilan ni Saturn.

"Damn you! Mang-aagaw ka!"

Nagwawala na siya na para bang isang leon na nakawala sa kanyang kulungan. Hindi ako natatakot sa kanya pero hindi ako bababa sa level niya. Hindi ko siya papatulan dahil naiintindihan ko naman ang nararamdaman niya ngayon. I felt bad for her but I really love Saturn and now that I know that he loves me too, I won't give him to her that easily. Saktan na niya ako kahit ilang beses man niyang gustuhin pero hinding-hindi ko na pakakawalan pa si Saturn.

"Please, stop it, Kath!" Natigilan siya sa pagsigaw ni Saturn. Kitang-kita ko sa mga mga mata niya ang galit. Kahit ako'y hindi makagalaw dahil sa takot. "I'm sorry. We're really over."

Her lips trembled and her tears welled in her eyes. "I-I can't believe you're doing this to me for that fucking whore!"

"She's not like that!" pagdepensa niya. "Wala kang karapatang magsabi sa kanya nang ganyan dahil hindi mo siya kilala!"

Tumawa siya nang may kasamang pang-uuyam. "Yeah, right! Hindi ko nga siya kilala pero sa pang-aagaw na ginawa niya, mukhang kilala ko na talaga siya!"

"Please, listen to me." Hinawakan niya ang balikat ni Kath. "You were the one who made me believe that I could pursue my dreams but you left me because you wanted to pursue your own. You left a huge hole in my heart and Chloe came to fill it up. I loved you. I already forgave you a long time ago. I don't want to hurt you more than this so please, let me go."

Tinalikuran kami ni Kath pero base sa pagtaas-baba ng balikat niya ay umiiyak na siya. Nakaramdam ako ng awa tungo sa kanya. 'Agad ko siyang nilapitan kahit na nanatili pa rin siyang nakatalikod.

"K-kath." My voice shook because of nervousness. "I'm sorry. Alam kong hindi mo 'to matatanggap pero sana kapag okay ka na, ready akong makipag-usap." Hindi siya sumagot sa akin at walang imik siyang lumabas.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Ayoko namang mangyari ito sa kanya pero hindi ko na rin kaya pang pigilan ang nararamdaman ko para kay Saturn. Pareho lang kaming biktima ng pagmamahal pero ang pinagkaiba lang ay sa akin pumabor ang tadhana.

Niyakap ako ni Saturn mula sa likod at ipinatong ang kanyang baba sa aking balikat.

"Monster, ano'ng gagawin natin?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Hinalikan niya ako sa aking pisngi.

"We don't have to do anything. Kath is a strong woman. I know she can handle this."

Humarap ako sa kanya at niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi pa rin ako makapaniwala na nayayakap ko siya nang ganito. Akala ko, no'ng mga panahong nagkabalikan sila ni Kath, hanggang pangarap na lang 'to.

"May pasok pa nga pala tayo." bulong ko sa kanya. Nawala na iyon sa isip ko. Lunes nga pala ngayon kaya may pasok na. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya pero magkalapit pa rin kami sa isa't-isa.

"Yes, so take a shower and I'll take you home."

Gusto ko pa sanang sabihin sa kanya na mamaya na lang niya ako iuwi kaso alam kong hindi siya papayag. 

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo sa harapan ng gate ng bahay namin. Alam kong hindi naman ako papagalitan nina kuya dahil iniuwi naman ako ni Saturn pero kinakabahan ako sa kung ano'ng sabihin nila.

He's a Monster (PUBLISHED UNDER PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon