Chapter 2

74.2K 1.9K 103
                                    

Chapter 2

"Magnanakaw ng 1000 pesos?!" 

Sinong mag-aakala na magkikita na naman kaming dalawa? Matapos ang agawan-ng-1000-pesos incident na 'yon ay hindi ko inaasahan na magtatagpo pa rin ang landas naming dalawa.

Kumpara noong huli naming pagkikita, may mga bago na naman siyang pasa sa mukha pero nakaloloka, ang gwapo niya, ha! He was wearing a white shirt that revealed the tattoo on his right arm. He has these dark and smoky eyes, high and full cheekbones and sharp jawline. This is illegal!

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. He gave me a cold look. His lips twitched like he wanted to snarl. Ibang-iba ang aura niya kumpara noong una kaming nagkita. 

"Are you my stalker?"

I was cut out from my trance because of what he said. Ang kapal ng mukha, a! Sapakin ko kaya ang isang 'to ngayon na?

"Ang kapal naman ng mukha mo! Hindi kita sinusundan, 'no! Akala mo kung sino!" Masama akong tumingin sa kanya at humalukipkip. 

"Stay out of my way." His voice carried so much intensity. Binunggo pa niya ako bago siya lumakad palayo.

"Basura talaga 'yang ugali mo!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin.

"Ah, Miss? Pagpasensyahan mo na si Saturn, a?" Nag-aalangang ngumiti sa akin 'yong isang lalakeng kasama niya. "I'm Wesley, by the way." maikling pakikipagkilala niya at sumunod na siya roon kay Saturn.

Ibinaling ko naman ang tingin ko kina Shellie at Xander para sana yayain nang bumalik ng classroom. Naabutan ko naman si Shellie na nakikipag-usap doon sa isa pang kasama nina Saturn at Wesley. Sobrang puti niya at nahiya ang balat ko sa balat niya. Mas makinis pa yata siya kaysa sa akin.  

"Bye bye Shellie! Nice to meet you! I'm Jonas nga pala." then he winked at her.

Naiwan naman si Shellie na nakatulala at nganga pa.

"Nakaka-imbyerna to death! Bakit nilapitan nila kayo ako, hindi? Ayaw ba nila sa beauty ko?! I pity myself" sabi ni Xander na nag-walling pa. 

"Umayos nga kayong dalawa riyan!"

Pumasok na kami sa loob ng classroom pagkatapos ng scene na 'yon. Nakakainis ang Saturn na 'yon, a. Stalker daw? E, siya nga 'tong may utang pa sa aking sampung piso! Aba, sayang din 'yon, 'no! Every peso counts! 

"Chloe, bakit magkakilala kayo ni Saturn?"

Inilapit pa ni Shellie ang silya niya sa tabi ko. Si Xander naman, may hawak pang maliit na flashlight na nakatutok sa ulo ko na parang i-interrogate ako. 

"Ano 'yong magnanakaw ng 1000 pesos?"

"Close kayo?"

"Ano'ng nangyari sa inyo na hindi namin alam?"

Panay ang tanong nila na halos hindi ko na alam kung alin sa mga tanong nila ang sasagutin ko.

"Isa-isa nga lang!" pagpigil ko sa kanila. "At saka Alexander, patayin mo nga 'yan!" turo ko sa maliit na pink flashlight na hawak niya. Ah, naalala ko na kung bakit may dala siyang gano'n. Para raw 'yon kapag ginabi siya ng uwi, may ilaw siya kapag madilim. Natatakot daw siya kasi baka ma-rape siya at makuha ang pinaka-iingatan niyang virginity.

Sinunod naman nila ang sinabi ko at umupo sa harapan ko. Para magtigil na sila ay sinabi ko na sa kanilang dalawa ang nangyari simula umpisa. Akalain mong kinilig pa?! Ano namang nakakakilig do'n, e, halos magbugbugan na kaming dalawa para lang sa 1000 pesos?

He's a Monster (PUBLISHED UNDER PSICOM) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon